^

Punto Mo

‘Pasahe’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMIPAS ang maraming taon. Nalimutan ko na ang estudyanteng humingi sa akin ng pamasahe noon.

Patuloy pa rin naman ako sa pagtatrabaho bilang janitor sa isang unibersidad, Tumatanda na rin ako. Napag-aral ko na ang dalawa kong anak dahil sa pagiging janitor. Hindi naman kami kinakapos sa buhay. Tamang-tama lamang ang kinikita sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Magaling lang mag-budget ang misis ko kaya napagkakasya ang aking kinikita. Nagpapasalamat lang ako at sarili namin ang tinitirahan. Kung mangungupahan ay walang matitira sa aking suweldo bilang janitor.

Araw-araw ay ganun pa rin ang aking routine. Papasok ng alas siyete ng umaga at uuwi ng alas kuwatro. Doon pa rin ako sa Morayta bumababa at sumasakay. Walang pagbabago sa aking araw-araw na ginagawa.

Ilang buwan bago ang aking pagreretiro bilang janitor, may isang pangyayari na hindi ko inaasahan. Nagulat talaga ako.

Pasado alas kuwatro ng hapon, nag-aabang ako ng masasakyang dyipni sa Morayta.

Nang isang lalaki na maayos ang suot ang lumapit sa akin.

Nagtaka ako kung bakit nilapitan ako ng lalaki. Kinabahan ako. (Itutuloy)

FARE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with