^

Punto Mo

EDITORYAL — Mga pulis na ­nagsisilbi sa ­opisyales ng POGO

Pang-masa
EDITORYAL â Mga pulis na ­nagsisilbi sa ­opisyales ng POGO

MULA nang mag-operate ang POGO sa bansa noong 2017 sa panahon ni dating President Rodrigo Duterte, nagkaroon ng “sideline” ang mga pulis sa pamamagitan ng pag-e-eskort o pagiging bodyguard ng mga Chinese na nag-ooperate ng POGO. Halos sa pag-e-eskort na lamang sa mga Chinese inuubos ng mga pulis ang kanilang oras. Mas malaki kasi ang kinikita nila sa pag-eskort kaysa sa sahod bilang pulis. Tumatanggap ang mga pulis ng P40,000 bawat buwan.

Nabuking ang pag-e-eskort ng mga pulis sa mga Chinese na operator ng POGO makaraang mag-away ang dalawang miyembro ng Special Action Force (SAF) na nagsisilbing escort ng POGO official sa Ayala-Alabang noong Mayo 18, 2024. Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawang SAF kaya nagsuntukan at nagkagulo sa mayamang subdibisyon. Nabatid na nakatira sa Ayala-Alabang ang Chinese na inieskortan.

Ang matindi, sa Mindanao pa nakadestino ang ­dalawang troopers. Nabatid na alam ng superiors ng dalawang SAF troopers ang kanilang pagsisilbi sa Chinese. Ayon sa report, may kahati ang superiors sa tinatanggap na suweldo ng dalawa.

Noong Miyerkules, sinibak na ni PNP chief ­General Rommel Marbil sa puwesto ang 11 SAF officers na napatunayang nagmo-“moonlighting” bilang escorts ng mga Chinese na nagpapatakbo ng POGO. Kabilang sa sinibak ni Marbil ang dalawang SAF na nagsuntukan sa Ayala-Alabang.

Ang mga sinibak na SAF officers ay sina Lt. Col. Joseph Bagsao, Cpt. Dale Andre Duterte, Cpt. Roy Plenos, Cpt. Jesttony Asanion, Lt. Aaron Tudlong, Lt. Michael Misa, Executive Master Sergeant Aaron Turano, Senior Master Sergeant Edmark Mabini, Senior Master Sergeant Albert Gandipon, Corporal George Mabuti at Patrolman Robert Valdez.

Napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct, dishonesty, grave irregularity in the performance of their duties and conduct unbecoming of a police officer ang mga nabanggit na pulis. Sinuspinde naman sina Cpt. Mark Victor Pineda, Cpt. Julius Tacay, Chief MSgt. Leolio Calasang at Cpl. Rusty Araya.

Nararapat lang na sibakin sa puwesto ang mga pulis na mas inuuna pa ang pag-eskort sa mga Chinese na operator ng POGO kaysa sa pagganap ng tungkulin. Maaaring hindi lang 11 ang mga pulis na nagbabadigard sa mga Chinese. Mag-imbestiga pa si Marbil upang ganap na maubos ang mga pulis-POGO. Magkaroon sana nang seryoso at malalimang paglilinis sa PNP bago magretiro si Marbil.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with