^

Punto Mo

Mayang (50)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG nakikipag-usap si Puri sa cell phone, lihim namang nakikinig si Jeff na noon ay nagkukunwaring natutulog sa sopa. Hindi naman siya lasing. Ang alak na tinungga niya kanina ay lihim niyang iniluwa nang tumalikod si Puri at may kinausap sa phone.

Kumpirmado na niloloko lang siya ni Puri. Hindi pala nito alam ang kinaroroonan ni Mayang. Ang talagang pakay nito kaya siya pinapunta rito ay para huthutan ng pera. Kaya pala itinatanong nito kung nasaan ang ATM ay para simutin ang laman. Wala talaga itong nalalaman kay Mayang. Pawang panloloko ang ginagawa at siguro, marami na silang naloko lalo ang mga overseas contract workers. Kapag nalaman nilang may pera ang OFW, gagawa sila ng paraan para makuha. Kaya pala laging itinatanong sa kanya ni Puri kung marami siyang naipon sa pagtatarabaho sa New Zealand.

Ang kasabwat niyang lalaki na nag­ngangalang “Henry” ang nagpaplano ng mga gagawin. Sanay na sanay si Henry. Palagay ni Jeff, marami nang nabiktima sina Puri at Henry.

Habang umaarteng lasing at tulog, gigil na gigil si Jeff sa dalawa. Gusto na niyang buki­ngin si Puri. Pero nagtimpi siya. May naiisip siya para matuldukan ang ginagawa ng dalawa.

Maya-maya nag-ring ang CP ni Puri.

Agad sinagot ni Puri.

“Hello Henry?’’

“May naisip ako para madaling makuha ang pera ni Kumag.”

“Paano?’’

“Alamin mo kung saan nakatira si Kumag.”

“Pagkatapos?’’

“Pupuntahan natin. Tutulungan kita para hindi na makapalag si Kumag.’’

“Okey Henry.’’

Pinakinggan pa ni Jeff ang pag-uusap ng dalawa.

Masama na ang balak sa kanya—mukhang nanakawan siya at saka papatayin! (Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with