^

Punto Mo

EDITORYAL — Busisiin, mga ­Chinese na ­papasok sa bansa

Pang-masa
EDITORYAL � Busisiin, mga ­Chinese na ­papasok sa bansa

NAGDAGDAG ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng visa requirement sa mga Chinese na nag-aaplay ng temporary visitor’s visa. Obligado ang mga Chinese na mag-submit ng kanilang Social Insurance Record Certificates at ang mga hindi magko-comply dito ay hindi makapag-aaplay ng visitor’s visa. Ayon sa DFA, pinag-aaralan pa ang ibang requirements na ipasusumite sa Chinese visitors.

Una nang inihayag ng DFA na maghihigpit sila sa pagbibigay ng tourist visa sa Chinese nationals. Ang paghihigpit ay dahil sa mga report na may mga passport at visas na illegal na naisyu kaya maraming Chinese nationals ang labas-masok sa bansa. Natuklasan din ng DFA, na maraming overstay na Chinese sa bansa.

Ayon pa sa DFA, maraming dahilan kaya ipinag-utos ang paghihigpit. Pero ito raw ay ipatutupad para na rin sa kapakanan ng ibang Chinese na nagiging biktima ng mga illegal na Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs). Marami raw Chinese ang kinikidnap ng kapwa Chinese at pinatutubos ng ransom. Meron ding biktima ng human smuggling, prostitution at iba pang krimen.

Bukod sa POGOs, ang paghihigpit ng DFA sa pagbibi­gay ng visitors visa ay kasunod nang pagdagsa ng Chinese students sa bansa partikular sa Cagayan at nagsipag-enrol sa mga unibersidad. Ang nakapagtataka, naninirahan ang mga estudyante sa EDCA sites. Ayon naman sa mga local officials ng Cagayan, mga lehitimo ang mga estudyante at inaprubahan ng Commission on Higher Education.

Ang mga illegal POGOs ngayon ang naghahatid ng pangamba sapagkat maraming Chinese ang naka-empleyo sa kanila. Sa mga sinalakay na POGO hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, maraming Chinese ang naaresto. Pinaghihinalaan naman na may nakapasok na espiya ang China at naka-empleyo sa POGOs. Ito ay makaraang makakumpiska ng limang uniporme ng People’s Liberation Army (PLA) sa Porac noong Hunyo 2.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), tinatayang 300 illegal POGOs ang aktibo sa bansa. Kung ganito karami ang POGOs, nasa panganib ang pambansang seguridad ng bansa. Maaring napasok na nga ng espiya ng China ang bansa at ang POGOs ang kanilang ginagamit.

Maghigpit pa nang todo ang DFA sa pagtanggap ng bisitang Chinese. Bantayan din ang mga tiwali sa Bureau of Immigration (BI) at baka sila ang maging daan para makapasok na naman ang mga Chinese. Matatandaan ang “pastillas scam” kung saan nagsusuhol ang mga Chinese ng P10,000 bawat isa sa mga korap sa BI para makapasok nang walang kahirap-hirap.

Kung mahigpit ang pagbabantay sa mga papasok na Chinese, bantayan din ang mga corrupt na opisyal at empleyado sa Immigration. Sila ang dahilan kaya sandamakmak ang illegal Chinese sa bansa.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with