^

Punto Mo

Maid of Honor (152)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA sobrang tuwa ni Yana sa sinabi ng mag-asawa na pag-aaralin siya ng mga ito, tinawagan agad niya si Inah at ibinalita ito.

“Pag-aaralin ako nina Kuya Honor at Ate Bianca!’’

“Napakabait talaga nila, Yana. Hindi ka nagkamali sa pagtatrabaho sa kanila.’’

“Oo nga Inah. Sinabi ko kasi sa kanila na inaanyayahan mo akong umuwi na at tulungan ka na lang sa beach resort pero tumanggi ako at sinabing hindi sila iiwan. Sabi ko, napamahal na sila sa akin at itinuring ng kapamilya. Sa tuwa ng mag-asawa, sinabing pag-aaralin ako sa kolehiyo.’’

“O e di mayroon ka nang naiisip na course?’’

“Wala pang pinal, pero pinag-iisipan ko na nursing aide ang kunin.’’

“Dalawang taon lang ang nursing aide, Yana.”

“Oo nga. Palagay ko, mas maganda kung yun ang kukunin ko para mabilis din akong makakita ng trabaho. Di ba marami ring nangangailangan ng nursing aide sa abroad?’’

“Oo. In-demand sa abroad yan.’’

“Naisip ko rin kasi na may malapit na school dito na nag-ooffer ng nursing aide. Walking distance lang.’’

“Aba okey nga yan. Wala kang gastos sa pamasahe.’’

“Oo nga, Inah. Isa pa rin, kung tapos ako ng nursing aide, maaalagaan ko sina Itay at Inay. Kailangan nila ang tulong ko sa darating na panahon.’’

“Tama ang desisyon mo Yana. Sige, ipagpatuloy mo ‘yan at malaki ang pag-asang magtatagumpay ka.’’

“Salamat Inah.’’

KINABUKASAN, kinausap nina Honor at Bianca si Yana.

“Anong course ang gusto mong kunin, Yana?’’ tanong ni Honor.

“Nursing aide po, Kuya.’’

“Two year course lang ang nursing aide, Yana?’’ sabi ni Bianca.

“Opo Ate. Gusto ko po ang nursing aide para madaling matapos at madaling ihanap ng trabaho.’’

“Sabagay, tama ka. In-demand sa London at Israel ang propesyon na yan.’’

“Isa pa Kuya, Ate, malapit lang dito sa atin ang school. Lalakarin ko lang.’’

“Oo. May school dito sa malapit, mga 10 minutes walk lang yata.’’

“Sige kung yan ang gusto mo, puwede ka nang mag-enroll. Sasamahan kita, Yana,’’ sabi ni Bianca.

“Salamat Ate.”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with