^

Punto Mo

Alden, todo bakod na kay Kathryn!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Alden, todo bakod na kay Kathryn!
Alden at Kathryn

Halata mong umiiwas sa controversy ang FAMAS dahil alam naman nila kung gaano karami ang bashers sa social media at sa kalagayan ng FAMAS sa kasalukuyan simula nang sila ay mag-reorganize, nawala na ang mga miyembro nilang dati na mula sa media.

Ang FAMAS ay nagsimula bilang isang proyekto ng noon ay Manila Times ng pamilya Roces, tapos nawala na nga ang support ng mga Roces pero may panahong sinolo iyan ng Liwayway at hanggang ang Manila Bulletin Publishing Corporation, sila rin ang nagpapagawa at naghahandog ng mga tropeo na ipinagagawa ng Kodak Philippines.

Pero may panahong halos lugmok na ang FAMAS dahil sa sinasabi ng kanilang mga kritiko na diumano’y may “corruption” sa pamimigay nila ng awards.

Pero sa pagkakataong ito pinili nilang best actress si Kathryn Bernardo, at pinili nilang best actor si Piolo Pascual. Hindi maikakailang ang dalawa ay popular at suportado ng publiko.

Sino ang mangangahas ngayong mam-bash sa panalo ni Kathryn Bernardo bilang best actress.

Pero marunong din silang bumalanse, hindi na maaaring manalong best actress si Vilma Santos, pero kinilala pa rin nila ang kahusayan niya sa pagbibigay sa kanya ng kanyang ikatlong circle of excellence award. Ganoon din naman si Boyet de Leon na naiakyat na sa hall of fame bilang best actor kaya binigyan din siya ng Circle of Excellence award.

Lusot na sana sa controversy ngayon ang FAMAS kundi dahil sa nangyari sa aktres na si Eva Darren. Matagal nang nananahimik bilang aktres si Eva Darren, pero natatandaan namin siya bilang bida sa isang evening teleserye noong unang panahon. Ang huli niyang award ay bilang best supporting actress ng FAMAS din sa pelikulang Ang Pulubi na ang bida ay si Charito Solis.

Nakatanggap diumano ng invitation si Eva mula sa FAMAS na maging isa sa mga presenter noong Linggo ng gabi, alam pa niyang ang makakasama niya sa pag-aabot ng award ay si Tirso Cruz III, kasi iyon ang nasa script na ibinigay pa sa kanya. Dahil siguro natuwa rin at bigla siyang naalala bilang isang artista pumayag si Eva. Bumili pa siya ng damit at sapatos na kanyang gagamitin para sa awards. At tapos ay dumalo pa siya sa awards kasama ang tatlo niyang apo na ipinagbayad pa niya ng limang libo bawat isa para sa dinner sa hotel na pinagdausan ng awards.

Ganoon na pala ngayon ang kalakaran, may per plate.

Pero siguro nga nagbago na ang kalakaran, dahil ang FAMAS ay para nang isang pribadong korporasyon na kailangan ding kumita o baka kapos din naman sila ngayon sa sponsors dahil napapanood na nga lang sila sa internet at hindi gaya noong araw na live sila sa telebisyon, tinapyasan na ang kanilang production cost kaya pati presenter kailangang magbayad ng kakainin.

Nang tawagin bilang presenter si Tirso Cruz III, hindi si Eva ang tinawag na partner kundi isang baguhang singer.

Isa pang napakahirap nilang ipaliwanag, kinumbida nila si Eva Darren pero wala siya sa inilabas nilang poster ng presenters ng awards.

Isa pang nakakatawa na nangyari sa FAMAS, si Alden Richards na pinarangalan bilang best Filipino actor sa isang festival sa Japan pero wala roon. Siya ay nagpunta sa FAMAS. Kasi siguro naguluhan din siya kung bakit siya tinawag na best FIlipino actor sa Japan eh wala naman siyang pelikula sa festival na iyon. At kung mayroon man, wala rin iyon dahil tinawag siyang best Filipino actor ibig sabihin magaling lang siya kaysa sa ibang Pinoy.

Doon naman sa FAMAS, hinintay lang niyang dumating si Kathryn Bernardo, at sinamahan niya patungo sa backstage.

Inalalayan iyong makaupo sa backstage at sinamahan niya si Kathryn kasama rin sina Piolo Pascual at Coco Martin na kausap din ni Kathryn.

Dahil doon nagkaroon naman ng isang bagong title si Alden, siya ay tinatawag ngayong “Boy Bakod” dahil wala na raw siyang ginawa kundi bakuran si Kathryn.

vuukle comment

FAMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with