^

Pang Movies

Eva Darren, nakinabang sa kontrobersya!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Eva Darren, nakinabang sa kontrobersya!
Eva Darren
STAR/File

Kung meron mang positibong nangyari matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ng veteran actress na si Eva Darren sa fiasco na nangyari sa nagdaang FAMAS Awards, ito ay ang pagkakaroon niya ng sunud-sunod na proyekto dahil na rin sa simpatiya sa kanya ng publiko.

Turning 78 on June 28, inamin ng actress na kung siya lamang daw ang nasunod ay mananatili siyang tahimik tungkol sa issue na nangyari sa kanya sa nakaraang FAMAS Awards pero naawa sa kanya ang kanyang mga anak at hindi napigilan ng isa sa kanila na mag-post on social media na siyang pumukaw sa interest ng marami.

Matagal-tagal na ring walang TV or movie assignment ang veteran actress na inuulan ngayon ng sunud-sunod na proyekto at kasama na rito ang kanyang pagkakapasok sa top-rating and long-running drama series ng GMA, ang Abot Kamay na Pangarap, kasunod ang isa pang proyekto na malapit na siyang simulan.

Si Eva ay matagal naming nakatsikahan sa ika-35th anniversary celebration ng Wacoal Philippines na ginanap sa Grand Ballroom ng Okada Manila in Parañaque City may ilang araw na rin ang nakakaraan.

Although marami nang pelikula at TV series ang nagawa si Eva, never itong na-involve sa anumang kontrobersiya magmula nang pasukin niya ang showbiz in 1962 at mahigit anim na dekada na siya rito.

Sobrang nasaktan ang pamilya ni Eva sa naging trato sa kanya ng ika-72nd year ng FAMAS Awards kung saan siya naimbitahan para mag-present ng isang award kasama si Tirso Cruz III na hindi naman nangyari.

vuukle comment

FAMAS AWARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with