^

Punto Mo

Panawagang pagbibitiw ni VP Sara sa DepEd, umiinit

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Umiinit ang panawagan sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito nga kasi ay matapos ang interview ng broadcaster na si Anthony Taberna kay First Lady Liza Araneta Marcos kung saan hayagan inamin ng huli ang malaking tampo niya sa bise-presidente.

Aba’y ilang araw na tumakbo sa mga balita at sa mga pahayagan ang mga naging pasabog ni FL.

Lumabas din ang maaanghang na salita sa bibig ng Unang Ginang na maaaring hindi na naka­pagpigil sa ginagawang pagtrato sa kanyang asawa.

Nagsimula ito sa naging pahayag ni dating Pangulong Digong Duterte sa isang kilos protesta sa Davao sa kung saan ginamit nito ang salitang ‘bangag’ na tumutukoy kay Pangulong Bongbong Marcos.

Gumiling ang camera kung saan naispatan umano si VP Sara na ‘tatawa-tawa’ sa nasabing komento ng ama.

Sa isang banda lubha nga namang napakasakit nito, dahil ka-tandem ni VP Sara ang Pangulo. Magkasama sila sa mga kampanya noong nagdaang halalan na dapat ay ipagtanggol pa nga niya ito lalo na at kabilang siya sa gabinete ni PBBM.

Dahil sa mga sumabog na isyu nagmistula na namang teleserye ang kalagayan ng pulitika sa bansa.

Una nang nanawagan sa pagbibitiw nito si Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa pagbibitiw nito bilang DepEd secretary, kasabay pa nga nang pagsasabing dapat na magpakita ng decency ang Pangalawang Pangulo sa pamamagitan nga nang pagbibitiw bilang Kalihim.

Nanahimik umano si Sara habang patuloy na binabanatan ng kanyang pamilya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod pa nga sa wala itong ginagawa upang ipagtanggol ang Pinas laban sa mga agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.

Hindi nga ba’t gumulantang din sa bansa ang umano’y secret deal na pinasok ni Digong sa China.

Ipinunto pa ng mambabatas  na habang walang ginagawa si Duterte laban sa mga insulto at atake ng kaniyang pamilya sa Pangulo ay patuloy umano itong nakikinabang.

Siguradong sa mga susunod na araw titindi ang panawagan sa pagbibitiw nito sa DepEd.

Para na naman tayong nag-aabang sa susunod na kabanata ng mga kaganapan sa pulitika.

Hindi pa malamang dyan natatapos ang iringan, at may lulutang pangmga isyu na yan ang ating antabayanan.

Pero sa huli taumbayan pa rin ang magpapasya kung saan ang kanilang panig ng istorya.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with