^

Punto Mo

Prayer for Peace, kopya kay Cardinal Sin

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PILIT kinokopya ng Tropang Maisug ang matagumpay na prayer for peace na ipinanawagan noon ni Manila Archbishop Cardinal Jaime Sin na naging mitsa ng EDSA Revolution na nagpabagsak kay dating Pres. Ferdinand Marcos noong 1986.

Ang pagkakaiba, Cardinal ng Simbahang Katoliko ang nanawagan sa mamamayan upang mag­sagawa ng prayer for peace rally na di tulad ngayon na ang wanted na self proclaimed Son of God Apollo Quiboloy ang itinataas ng “Maisug”.

Nagdadalawang isip daw dumalo sa prayer for peace rally maging ang mga Katoliko na dating supporters ni Digong. Bina­bastos daw nito ang mga paring Katoliko at minumura ang Diyos.

Kung hindi kinulata ng gobyerno ni Digong ang mga suber­sibong grupo ng mga manggagawa at esudyante, malamang mas malakas na kalampag ang dinaranas ngayon ni PBBM. Courtesy daw nina Eric Celis at Lorraine Badoy ‘yun. Ngeek!

Maging ang opposition groups na “pinklawans” at “dilawan” na anak ng EDSA ay hindi rin nakikisimpatiya sa mga angas ni Digong kay PBBM. Answered prayer kaya ni FL Liza ‘yun? Baka nga!

Sina Juan Ponce Enrile, Fidel V. Ramos at Butch Aquino­ ang markadong nanguna ng walang gastos sa EDSA noon, saman­talang kopyado ni dating. President Digong Duterte, dating Executive Sec. Vic Rodriguez at Rep. Bebot Alvarez ang mga nagkakakawag ngayon. Magastos ‘yan!

Leksiyon na dapat tandaan: “Huwag lapastanganin ang nag-iisang Diyos!”

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with