^

Punto Mo

Pagdami ng mga dayuhan sa ‘gated villages’, ikinabahala

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto ha, nais ni Senador Win Gatchalian na maimbestigahan ang dumaraming presensya ng mga dayuhan sa mga upscale gated subdivision na pinaghihinalaang nagtatrabaho para sa Phi­lippine Offshore Gaming Operators (POGO), na ngayon nga ay tinatawag ng Internet Gaming Licensees (IGLs).

Hindi nga naman ito dapat na ipagwalang-bahala, dahil mistulang naghaharing-puri na ang mga ito sa mga ekslusibong mga subdivision.

Nagsasagawa pa ng mga malalaking pagtitipon ang mga yan, na hindi nga nababantayan lalo pa nga at tumataas ang krimen na iniuugnay sa mga indibidwal na ito na sangkot sa industriya ng POGO.

Partikular na tinukoy ni Gatchalian na siyang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means ang mga patuloy na pag-aalala ng mga homeowners sa Multinational Village sa Parañaque City dahil sa dumaraming bilang ng mga dayuhang naninirahan ngayon sa kanilang subdibisyon.

Sinasabi ng mga residente na ang isang enclave sa loob ng subdivision na nagtatampok ng mga Chinese restaurants at spa salon ay eksklusibo para sa nasabing mga dayuhan. Mga Pinoy pa ngayon ang hindi pwedeng pumasok.

Nakakabahala na maaaring ang ilan sa mga ito ay mga pugante sa kanilang bansa, dyan nagkukuta at nakakagalaw ng malaya.

Posible ding patuloy pa ring naisasagawa ng mga ito ang kanilang ilegal na aktibidades.

Binanggit pa ni Gatchalian na alam ng mga ito kung paano gumalaw at kung sino ang kakausapin dahil pinag-aaralan ng mga sindikatong ito ang galawan dito. Malakas ang loob nila dahil meron umanong koneksyon at nakakakuha sila ng proteksyon mula sa ilang matataas na opisyal sa bansa.

Hindi nga ba’t noon lamang Nobyembre ng nagdaaang taon nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang tirahan sa Ayala Alabang Village, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 11 na Chinese national na naaktuhang nagsasagawa umano ng illegal online gambling activities.

Ibat-ibang armas din ang nasamsam sa mga ito, palatandaan marahil ng kanilang ilegal na mga aktibdades.

Mistulang ‘at home na at home’ ang mga ito sa Pinas habang karamihan sa kanila eh pinaghahanap sa kanilang mga bansa dahil sa ibat-ibang kasong kinasasankutan.

Ito marahil ang dapat na mabusisi at huwag payagang sila ang maghari sa lugar na kanilang pinaglulunggaan.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with