^

Punto Mo

EDITORYAL - DSWD, maging maingat sa pamamahagi ng ayuda

Pang-masa

BALAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng ayuda ang mga jeepney driver na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, handa silang magbigay ng ayuda kahit wala pang natatanggap na utos ukol dito. Kabilang umano sa kanilang ipag­kakaloob ay pagkain at cash assistance. Nasa ilalim umano ito ng Assistance to Indivi­duals in Crisis Situation (AICS) at livelihood programs sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP). Nasa 60,000 jeepney drivers at 25,000 operators ang apektado ng modernization.

Kung matutuloy ang balak ng DSWD na pagbi­bigay ng ayuda sa mga maaapektuhang jeepney driver, dapat maging mapanuri ang DSWD kung sino ang mga driver na bibigyan. Baka ang mga mapagkalooban ay mga driver na nagbabanta ng tigil pasada. Hindi dapat mabigyan ng tulong ang mga sumasalungat sa modernisasyon.

Natapos na noong Abril 30, 2024 ang palugit sa jeepney drivers at operators para mag-consolidate sa ilalim ng PUVMP. Wala nang extension na ibinigay at maaring sa mga susunod na araw o linggo, ay huhulihin na ang mga bumibiyaheng jeepney dahil colorum na.

Marami sa drivers na tanggap na ang kahihinatnan­ kaya mayroon nang kinakatay ang kanilang kaka­rag-karag na jeepney at pinakikilo para mapakinabangan. Marami rin naman ang nananatiling lumalaban at ayaw pasakop sa jeepney modernization. May mga transport group na nagbabanta ng tigil-pasada. Paparalisahin umano nila ang transport sector. Hindi raw sila titigil hangga’t hindi nakikinig ang pamahalaan sa kanilang kahilingan.

Habang may lumalaban sa PUVMP, marami rin naman ang pabor dito at pinapayuhan ang mga suma­salungat na itigil na ang pag-i-strike dahil hindi na ito uso. Pero marami pa rin ang pinaggigiitan ang kani­lang karapatan.

Ipagpatuloy naman ng pamahalaan ang jeepney modernization. Huwag hayaang may humadlang sa pagkakamit ng modernisasyon na ilan taon nang na­udlot dahil sa pagtutol ng iba na pansarili lamang ang naiisip.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with