^

Punto Mo

Maid of Honor (115)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“IPASOK mo sa sagingan, Kuya!’’ utos ni Inah.

Ginawa ni Honor ang utos ni Inaha. Hanggang nasa gitna na sila ng sagingan.

“Patayin mo ang makina Kuya!’’

Pinatay ni Honor.

Maya-maya, nakarinig sila ng paparating na sasakyan. Tumigil ng ilang segundo at saka sumibad nang palayo.

“Hindi tayo nakita, Kuya!’’

“Oo nga. Magandang taguan pala ang sagingan.’’

“Maya-maya tayo lumabas Kuya at baka bumalik ang mga yun.’’

“Oo. Palayuin natin sila.’’

“Malapit-lapit na tayo sa amin, Kuya—mga dalawang kilo­metro na lang.’’

“Malapit na pala tayo. Tamang-tama, nagugutom na ako. Kaya lang may pagkain kaya sa inyo?’’

“Hindi ako sure Kuya.’’

“May madadaanan ba tayong fastfood?’’

“Wala Kuya. Liblib na po ito.’’

“Kahit na ano na lang pagdating sa inyo.”

“Oo Kuya. Marami sigurong itlog ng manok at itik si Itay.’’

“Okey na yun, Inah.’’

“May kapeng barako siguro si Itay.’’

“Tamang-tama.’’

Nang inaakala nilang wala na ang sumusunod na kotse, umalis na sila.

Hanggang makarating sila sa bahay nina Inah.

Tumawag si Inah.

“Itay! Inay!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with