^

Punto Mo

Adbokasiya ni Marbil, tulungan hina-harass na pulis!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

ANG pagdepensa sa mga pulis na humaharap sa legal harassment at pangangalaga sa kanilang kalusugan ang magiging adbo­kasiya ng liderato ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Noong bagong pulis pa s’ya, naramdaman na ni Marbil ang mga kasong harassment na isinasampa laban sa mga pulis na ginagawa lamang ang kanilang tungkulin na public service.

At dahil sa mainit na panahon sa ngayon, nais din ni Marbil na pangalagaan ang kalusugan ng kanyang mga tauhan. Kaya’t sa flag raising noong Lunes sa PNP headquarters sa Camp Crame, nangako si Marbil na isusulong niya ang pagbigay ng legal assistance sa mga proble­madong pulis at ang pagbibigay sa kanila ng health cards kung saan pati pamilya nila ay maki­kinabang. Mis­mooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

“Ever since nagpulis po ako, alam ko kayo nung nagkakaproblema kayo sa legal assistance. Magaling po ‘yung mga lawyers natin but sometimes hindi sila sapat para ipagtapat sa mga attorney de campanilla,” ani Marbil. “Alam ko naman lahat kayo na operatiba ang pinaka problema natin sa PNP is ‘yung mga counter charges and minsan kapag nakaka-counter charge kayo ang mga pulis natin bumubunot ng kanilang pera,” ang dagdag pa ni chief PNP.

Dahil sa adbokasiya na ito ni Marbil, magtatrabaho na ang ating kapulisan kontra droga, krimen, cybercrimes at iba pa na wala nang iisiping gastusin kapag binalikan sila ng naapakan nila, di ba mga kosa? Eh di wow! Bakit si Marbil lang ang nakaisip ng ganitong sistema? Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Marbil, pangarap n’yang magkaroon ng health cards ang bawa’t pulis

para mapangalagaan nila ang kanilang kalusugan. “This is what we are trying to do. We are trying to do anything for our policemen para iisa lang ang iisipin niyo. Ibibigay natin lahat para sa pulis natin pero isa lang ang request namin sa inyo, do the best para sa mga tao natin, sa mga kliyente natin,” aniya.

Sinabi pa ni Marbil na nakipag-coordinate ang PNP sa Public Safety Mutual Benefit Fund Inc. para maisakatuparan ang kanyang planong health cards. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Binigyan diin ni Marbil na maaring ang top priority ng PNP ay ang magserbisyo sa sambayanan, subalit kailangan ding pagtuunan nila ng pansin ang kapakanan ng mga kapulisan para magiging maayos ang kanilang pagtrabaho bilang public servants. Mismooooo!

“Let us give them the best public service. Kung nakikita niyo dati maraming pagkakamali let us correct ‘yung mga mistake. This is the opportunity for us to make a difference in people’s lives, not only to our clients but to us,” ang giit pa ni Marbil. Dapat lang, di ba mga kosa? Taxpayers money kaya ang isinusuweldo sa kanila. Sanamagan! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.

Ibinida rin ni Marbil na “fake news” ang kumakalat na Marites na ang rice allowance ng mga pulis ay hindi na ibibigay bagkus ito ay i-allocate bilang food allowance ng mga preso. Araguyyyyy! Saan ang hustisya? Kasama na sa fake news ang Combat Incentive Pay at ang Combat Duty Pay. Dipugaaaaa! 

“Alam niyo po marami tayong naririnig na mga fake news about babawasan ‘yung rice subsidy niyo, ‘yung iba ibang mga bagay, babawasan ‘yung CIP, CDP. I just want to say there is a difference between a wise man and a fool. A wise man talk because he has something to say. A fool talks because he has to say something,” ani Marbil. Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with