^

Punto Mo

Ano ang reklamo sa nanggigipit na employer?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano po ang ikakaso sa kompanya kung ginigipit nila ang empleyado para mapilitang mag-resign o umalis ng kusa? — Gellie

Dear Gellie,

Bagama’t walang detalye ang iyong katanungan para matukoy­ kung ano ba ang angkop na reklamo para sa sitwasyong binabanggit mo, maaring cons­tructive dismissal ang tinutukoy mo. Ayon sa Gan v. Galderma Philippines Inc. et al. [701 Phil. 612 (2013)] may constructive dismissal kung napilitang magbitiw ang empleyado dahil sa malinaw na diskriminasyon o kalupitan ng employer, o dahil sa hindi kaaya-ayang kondisyon sa trabaho na dulot din ng employer.

Iyon nga lang, dapat ay may malinaw na ebidensya ang empleyado na siya ay napilitan lamang na magbitiw sa trabaho. Sa kaso ng Panasonic v. Peckson (G.R. No. 206316, March 20, 2019), kinatigan ng Korte Suprema ang employer matapos itong ireklamo ng dati nitong empleyado ng constructive dismissal.

Ayon sa Korte Suprema, hindi kakikitaan ng muhi o galit ang mga resignation letters ng empleyado. Ang mga kilos niya rin matapos niyang mag-resign, katulad ng pagbibigay niya ng iba’t ibang dahilan sa kanyang pagbibitiw nang siya ay tanu­ngin sa kanyang exit interview, ay nagpapakita na hindi talaga siya napilitang umalis sa trabaho.

Kaya kung magsasampa ng reklamo para sa constructive dismissal, siguraduhin na may sapat na pruweba para mapatu­nayan na napilitan lamang ang empleyadong mag-resign dahil sa mga aksyon ng employer. Pinakamainam kung may ebidensiyang nagpapakita ng panggigipit na dinanas ng empleyado para malinaw na hindi boluntaryo ang ginawa niyang pagbibitiw.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with