^

Punto Mo

60-anyos na contestant ng Miss Universe Argentina, nag-viral dahil sa kanyang batang hitsura!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINANGAAN ang isa sa kandidata ng Miss Universe Argentina pageant dahil sa batang hitsura nito sa kabila ng edad na 60.

Ang retirement age ng mga kababaihan sa Argentina ay 60-anyos pero para kay Alejandra Marisa Rodriguez, ang edad na ito ay simula pa lang ng kanyang beauty pageant journey.

Nag-viral kamakailan sa mga Latino netizens si Rodriguez matapos itong manalo bilang representative ng Buenos Aires para sa Miss Universe Argentina pageant. Marami kasing hindi makapaniwala na 60-anyos na ito samantalang ang kanyang hitsura ay papasa bilang 40-anyos.

Bukod sa angking ganda at batang hitsura ni Rodriguez, hinangaan din ang background nito dahil isa itong lawyer at journalist. Sa kasalukuyan ay single si Rodriguez at kagagaling lang niya sa pakikipag-divorce.

Sa panayam kay Rodriguez, napanatili niya ang kanyang ganda sa pamamagitan ng pagwo-workout tatlong beses sa isang linggo, pagsunod sa intermittent fasting at paggamit ng facial cream.

Sa tingin ni Rodriguez, nanalo siya bilang representative ng Buenos Aires dahil nakita ng mga hurado na confident at buong puso niyang naipakita na walang expiration date ang kagandahan ng isang babae.

Magaganap sa May 25 ang Miss Universe Argentina pageant at inaabangan ng marami kung si Rodriguez ba ang mananalo dito para maging representative ng Argentina sa 73rd Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with