^

Punto Mo

Babae sa US, 2 beses nanalo sa lotto sa loob ng 2 buwan!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Massachusetts, U.S.A. ang nanalo ng $1 million sa scratch-off card, dalawang buwan matapos manalo ng $1 million sa isa pang scratch-off card!

Nang magbuhos ng suwerte sa lotto ang kalangitan, tila sinalo ito lahat ni Christine Wilson. Noong Peb­rero, bumibili si Wilson ng alak sa Dub’s Discount Liquors nang maisipan niyang bumili ng Lifetime Millions scratch-off card na nagkakahalaga ng 50 dollars.

Matapos kaskasin ang card, hindi siya mapag­sidlan ng tuwa nang malaman na nanalo siya ng $1 million. Matapos bawasan ng tax, nakatanggap si Wilson ng $650,000 mula sa kanyang lottery winnings. Ang una niyang binili ay isang SUV na sasakyan.

Sampung linggo matapos manalo, naisipan muli niyang bumili ng scratch-off card. Nasa isang supermarket siya nang bumili ng 100x scratch-off card na nagkakahalaga ng $10. Hindi siya makapaniwala na nanalo na naman siya ng $1 million. Dahil sa kanyang mga panalo, nakatanggap ang liquor store at supermarket ng bonus na $10,000 mula sa Massachusetts State Lottery.

Ayon kay Wilson, itatago niya sa banko ang mga napanalunang pera bilang life savings.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with