^

Punto Mo

Kredibilidad ng testigo, kilatisin bago pagsalitain!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang dumarami na naman ang mgan nagma-“Maritess’’ sa kasalukuyan.

Ito yung tipo na naghahasik ng lagim basta lang makapanira sa kapwa.

Ang siste at ang masaklap, pinapatulan naman ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Kahit alam na walang kredibilidad, ihaharap at ihaharap pa rin sa ilang isinasagawang imbestigasyon.

Ang intensyon gumawa lang ng ingay kahit walang matibay na basehan.

Resulta, nagtagumpay sa kung anong nais na isiwalat. Nakapanira na.

Eto nga at lumutang sa Senado ang nasibak na si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) intelligence officer Jonathan Morales na nagsasangkot sa punong ehekutibo sa ilegal na droga.

Ayon nga sa ilang Kongresista, kaduda-duda ang biglang paglutang nito at mismong ang Pangulo ng Pilipinas ang target na siraan.

May mga binanggit pa itong nag-leak na 2012 na dokumento hinggil sa umano’y pagkakasangkot ng noo’y si dating Senador Bongbong Marcos at maging si Maricel Soriano sa pag­gamit ng illegal na droga.

Nagsalita na ukol dito si PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na sinabing kuwesti­yo­nable ang nasabing dokumento kabilang ang sinasabing pro-operation report dahilan wala ito sa rekord ng ahensiya at posibleng gawa-gawa lamang ni Morales na aniya’y walang basehan.

Pero inentertain pa rin sa imbestigasyon.

Marapat lang siguro na bago payagan nang magsasalita ang testigo lalu na sa mga sensitibong isyu ay alamin munang maigi ang background ng mga ito.

Lalu na nauna na palang nasangkot sa perjury si Morales matapos na itago na nasibak ito sa PNP sa kaniyang habang nag-aaplay sa PDEA.

Anong katotohanan ang aasahan natin sa ganyan?

Pero ang masaklap nakapanira na ng kapwa, nagtagumpay sa layunin na mangwasak.

Siguro dapat na ring itaas ang parusa sa pagsisinungaling nang hindi mahirati ang iba na nagagamit ang ganito sa mga pansariling interes.

WITNESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with