^

Pang Movies

Chavit Singson kontra sa mga transgender at may asawa sa Miss Universe, Itinanggi na niregaluhan ng luxury car ang boobsie actress

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Chavit Singson kontra sa mga transgender at may asawa sa Miss Universe, Itinanggi na niregaluhan ng luxury car ang boobsie actress
Chavit Singson

Deny to death si former Gov. Chavit Singson na niregaluhan niya ng luxury car ang isang actress.

Aniya, na-marites at na-marisol lang siya.

Tho tumatawa siya at iniiba ang topic.

Isa lang nga ito sa sinagot ng dating pulitiko sa isang welcome dinner for officers and members of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa kanyang mansion sa Corinthian Gardens in Quezon City last Saturday night.

Maging ang mga beauty queen na na-link sa kanya ay itinanggi niya.

Pero ang inamin ni Manong Chavit, nasa South Korea aniya ang napupusuan niya.

Maraming investment si Manong Chavit sa South Korea kaya madalas siya ngayong pumunta sa bayan ng mga oppa.

Pero wala siyang binigay na details at pahulaan kung connected ito sa showbiz doon.

Pinagkakaabalahan din nito ang pagiging co-producer ng Vagabond 2 na pinagbibidahan ng business partner niyang si Lee Seung-gi.

Magso-shoot aniya sila sa bansa upang makatulong pa sa tourism industry particular na sa Ilocos tulad sa ginawa niya noon sa Miss Universe pageant.

At ang sinu-suggest ng mga kausap niyang entertainment editors, baka pwedeng maging leading lady kahit sino kina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes ni Lee Seung-gi.

Kahit daw sino ay pwede, dahil wala naman siyang pinipili.

Kailan mag-uumpisa ang shooting?

Siguro mag-uumpisa ang shooting sa May. Ginagawa na ang istorya. Ang huling usapan namin, napunta rito ‘yun mga producer, si Lee Seung-gi lagi siyang nagpupunta rito. Sinasama niya ‘yung mga writer, producer, napapagkuwentuhan namin, in fact nagpunta na sila Vigan.Pag natuloy ‘yun, I will announce it formally.

“Gusto kasi nila tuluy-tuloy na ang shoot. Halos isang buwan na yata nilang tinatapos ang istorya. Ganun sa Korea, gusto nila nakalatag na ang kuwento.”

Samantala, naniniwala naman siya na hindi dapat payagan sa Miss Universe ang mga transgender at may mga asawang kandidata.

“Kaya nga ‘Miss’ ang nakalagay sa Miss Universe beauty contest. Tapos hahaluan ng iba,” pahayag niya pero pinaliwanag niyang mahal niya ang mga trans pero dapat umano ay meron silang sariling pageant. Ganundin daw sa mga may asawa na.

Sam at Catriona, tuloy ang kasal?

Joke, joke lang pala ‘yung balitang hiwalayan nina Sam Milby at Catriona Gray.

Magkasama nga sila sa birthday celebration ng manager nilang si Ericson Raymundo the other day hosted by Pinky Tobiano.

Ngayon lang ulit nagpakitang magkasama sina Sam at Catriona sa social media.

Engaged na sila kaya ang tanungan ay kung itutuloy ba nila ang planong kasalan.

Comeback ni Kristine, aprubado ni Oyo

Pabiro ang sagot ni Kristine Hermosa na ‘sino ‘yun’ nang tanungin kung anong masasabi niya sa statement ni Jericho Rosales na gusto niyang makatrabaho ang misis ni Oyo Sotto.

“I think… well depende talaga. Depende po sa project. Depende sa mga eksena. Basta depende. I need to see everything muna. Talagang i-filter ko muna lahat. Kung worth it naman ang gagawin namin hindi ‘yung masabi lang na may ginawa kami together,” paliwanag ni Kristine nang makausap namin nung mag-guest siya sa birthday presentation ng father-in-law niyang si Vic Sotto sa Eat Bulaga last Saturday.

Pero okay kay Oyo?

“Wala naman pong problema sa kanya. Very professional naman din kumbaga kung gusto ko, susuporta­han naman niya. Okay naman siya. The thing is ako ‘yung talagang.. Choice ko talaga na.. ayoko kasing gumagawa ng kung anu-ano lang. Kumbaga if gagawa ako, something that’s worth it naman. Worth my time, ‘yung effort ko tapos syempre iiwanan ko ‘yung mga anak ko, ‘yung ganun. Basta ‘yung magandang project. Iyong may katuturan.”

So drama ito?

“Hindi ko po alam kung ano man ito. Basta may katuturan. ‘Yung malalaman mo na, you feel na ah okay Lord gusto mong ipagawa sa akin ito. Kasi I would hear God naman eh. Alam ko naman ‘yung may go signal ni Lord, why not ‘di ba? Kung may go signal ni God. So ‘yun lang. Lagi naman ‘yung go signal lang ‘yung inaantay ko,” dagdag na paliwanag pa niya na emosyonal sa birthday ni Bossing Vic Sotto.

Buntis si Kristine at nakatakdang manganak sa September sa 6th child nila ni Oyo.

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with