^

Pang Movies

Sandara, enjoy sa pagiging tour guide

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sandara, enjoy sa pagiging tour guide

Ang bongga naman ni Sandara Park na nag-ala tour guide sa ‘Pinas.

May patikim ang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas ng kanyang susunod na episode ng kanyang vlog serye na may titulong It’s More Fun with Dara Tour kung saan itatampok niya ang singer and actor na si Lee Joon at nakababatang kapatid naman ni Dara na singer na si Thunder. Parehong dating miyembro ng K-Pop boyband na MBLAQ ang dalawa.

Kasama rin ni Thunder ang misis niyang singer-actress na si Mimi.

Ayon nga kay Dara, dinala niya ang tatlo sa Jollibee, na kanyang paboritong Pinoy fast food, at sa isang wellness resort at naglaro sila sa isang mall arcade.

Hindi naman ito ang unang beses na may pinasyal at nagpaka-tour guide si Dara dahil sa kanyang previous episode, tinampok din niya ang dating 2NE1 member na si Minzy kung saan ipinasyal niya ito sa isang mall sa Makati at sa beach sa Batangas.

Mukhang enjoy na enjoy talaga siya sa pagiging tour guide sa mga kapwa Koreano at talagang binabalik-balikan din niya ang bansa natin.

Leandro, iba ang dating ng mga nililok

Thank you kay Leandro Baldemor dahil siya pala ang gagawa ng trophy ng The Eddys 2024.

Imagine mo napakalaking karangalan na ang trophy mo gawa ng isang Baldemor na matagal nang kilala sa larangan ng paglilok at ang dami nang nagawang mga statue ng mga Santo at Santa.

Talagang iba ang dating kaya naman isang malaking thank you talaga kay Leandro Baldemor. Talagang naging napakabait ni Leandro sa mga member ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors na dumalaw sa kanya at nakita ang mga gawa niyang sculpture na talaga namang ang gaganda.

Congrats, Leandro Baldemor, and many thanks.

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with