^

Punto Mo

Maid of Honor (105)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINAWAGAN ni Honor si Rocky para sabihin na nasa labas na sila at naghihintay. Pero hindi sumasagot si Rocky.

Ilang ulit pang tinawagan ni Honor pero walang sumasagot.

“Ayaw sumagot ni Rocky, Inah.’’

“Bakit po kaya?’’

“Hindi ko alam. Pero di ba sinabi niya na dito tayo maghihintay sa labasan?’’

“Oo nga po.’’

“Nagtataka ako kung bakit hindi sumasagot.”

“Hindi po kaya may nangyari sa kanya, Kuya? Baka nakita siya ng dalawang lalaki at pinatay siya at saka kinuha ang black bag.’’

Hindi sumagot si Honor. Pero yun din ang iniisip niya.

“Maghintay pa tayo. Tatawagan ko uli mamaya.’’

“Sige po Kuya.’’

Muling tinawagan ni ­Honor. Pero recording na ang sumagot. Cannot be reached.

Nabahala na ang dalawa dahil malalim na ang gabi.

Baka may nangyari kay Rocky.

Nang hindi pa sumagot si Rocky, ipinasya ni Honor na umuwi na sila.

“Tayo na Inah. Hindi na darating si Rocky palagay ko. Baka may nangyari sa kanya.’’

“Paano ang pera Kuya?’’

“Bahala na.’’

Umalis sila.

Lingid sa kanila, may aninong lumutang mula sa likod ng poste.

Nagpatuloy naman sina Honor at Inah sa paglalakad. Nagmamadali sila.

Samantala, sa ibang direksiyon dumaan ang anino.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with