^

Punto Mo

Maid of Honor (117)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINAKILALA ni Inah si Honor sa kanyang Itay.

“Tatay, siya po si Kuya Honor—tumulong sa akin.’’

Kinamayan ni Honor si itay.

“Halikayo sa loob,’’ sabi ni Itay.

Pumasok sila sa loob. Nagderetso si Inah sa kuwarto na kinaroroonan ng inay niyang maysakit.

“Inay narito na po ako!’’ sabi niya sabay mano.

“Inah?’’

“Ako nga po, Inay.’’

“Salamat po Diyos ko at dininig mo ang dasal ko. Mabuti at narito ka na,’’ sabi ng kanyang inay at umiyak.

Niyakap ito ni Inah.

“Hindi na ako aalis, Inay. Hindi ko na kayo iiwan ni Itay.’’

Napahagulgol na ang matanda. Nayugyog ang balikat.

Pumasok ang itay ni Inah, kasunod si Honor.

“Siyanga pala, Inah, nasaan ang kakambal mong si Yana?’’ tanong ni Itay,

“Nakatira po si Yana kina Kuya Honor at Ate Bianca. Sila po ang tumulong sa akin para masagip sa sindikato ng white slavery. Napakabait po ng mag-asawa.’’

Hinarap ni Itay si Honor at mahigpit na niyakap.

“Salamat sa ginawa ninyong mag-asawa sa aming mga anak.’’

“Ginawa lang po namin ang nararapat, Tatay.’’

“Teka at maghahanda ako ng makakain ninyo. Pagod na pagod kayo sa biyahe,’’ sabi ni Itay at nagtungo sa kusina.

Sumunod si Honor sa matanda. Nakita niya kung paano ito nagdikit ng apoy sa abuhan. Magpapakulo ito ng tubig para sa kape.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with