^

Punto Mo

Lalaki sa Ghana, yumakap sa 1,000 puno para sa Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 29-year-old environmental activist sa Ghana ang nakapagtala ng world record matapos niyang yakapin ang mahigit 1,000 puno sa loob ng isang oras!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Abubakar Tahiru ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Trees Hugged in One Hour”.

Ito ay matapos niyang mayakap ang 1,123 na puno sa loob ng isang oras. May average na nakayakap siya sa 19 na puno bawat minuto.

Naganap ang record attempt ni Tahiru sa Tuskegee National Forest sa Alabama, U.S.A. Upang makasama sa bilang ang bawat puno, may requirement ang Guinness na ang mga braso ay dapat nakasara sa pagkakayakap sa katawan ng puno. Dapat ay magkakaibang puno ang yakapin at hindi maaaring umulit sa iisang puno. Hindi rin ibibilang ang puno kapag nagkaroon ito ng damage mula sa pagkakayakap.

Bukod sa pagiging environmental activist, isang forestry student din si Tahiru. Lumaki siya sa isang farming community sa Tepa kung saan nagkaroon siya nang malawak na kaalaman at pagmamahal sa kalikasan. Nang matapos ni Tahiru ang undergraduate degree sa forestry sa Ghana, nag-aral siya ng masteral degree sa forestry sa Auburn University sa Alabama, U.S.A.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with