^

Punto Mo

Apelyido ng mga anak, puwede bang baguhin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Gusto ko sanang baguhin ang last name ng mga anak ko. Isusunod ko na sa last name ko at hindi na sa father nila na hindi naman nagpapakita. Single mother po ako at not married. Puwede po ba ang gusto ko mangyari?—Charlotte

Dear Charlotte,

Kung dala-dala na ng mga anak mo ang apelyido ng kanilang ama ay mahirap na panigan ka ng korte sa gusto mong mangyari.

Karapatan kasi ng isang bata na dalhin ang apelyido ng kanyang ama kung siya ay kinikilala nito, kahit pa hindi kasal ang kanyang mga magulang. Mahalaga rin na dala-dala ng iyong anak ang apelyido ng kanyang ama dahil matibay na ebidensya ito ng kanilang relasyon bilang mag-ama kaya kung ipababago mo ito, maaring maapektuhan ang iba pa niyang mga karapatan, katulad ng karapatan niyang magmana sa ari-arian ng kanyang ama.

Maari rin na hindi pagbigyan ang hiling mo kung menor de edad pa ang mga anak mo. Sa  kaso ng Moore v. Republic (G.R. No. L-18407, 26 June 1963), ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pinagbigyan ang petisyon ng magulang  na ipabago ang apelyido ng kanyang anak ay ang pagiging menor de edad ng huli.

Ayon sa Korte Suprema, hindi tamang pangunahan ang bata sa kung ano ang dapat niyang maging pangalan lalo na’t siya lamang ang makaaalam ng kanyang kagustuhan ukol dito. Dapat ay hintayin na lang siyang dumating sa tamang edad at hayaang siya ang magdesisyon kung gusto ba niyang baguhin ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng tamang proseso sa ilalim ng ating batas.

Sa huli, laging isinasalang-alang ng ating batas ang kapa­kanan at ang interes ng bata kaya ito ang magiging pangunahing konsiderasyon ng ating mga korte sa mga kasong may kinalaman ang mga menor de edad, kabilang na ang mga petisyon para sa pagpapalit ng apelyido.

SURNAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with