^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, hindi sinasadyang napasabog ang tinitirahang apartment dahil sa ipis!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 54-anyos na lalaki­ ang naging sanhi ng pag­sabog sa isang residential area sa Kumamoto city dahil sa insecticide na ginamit niya para patayin ang ipis sa kanyang apartment!

Ayon sa report ng mga awtoridad, naganap ang insidente noong Disyembre 10 ng gabi. Matutulog na ang hindi pina­ngalanang lalaki nang makakita siya ng ipis sa kanyang apartment sa Chuo Ward sa natu­rang siyudad.

Sa kagustuhan na mapatay ang ipis, gumamit ang lalaki ng insecticide pero dahil sa dami ng na-spray nito, nagkaroon ng pagsabog at nabasag ang balcony window ng apartment. Nagtamo ng minor injury ang lalaki dahil dito.

Ayon sa mga nag-imbes­tigang pulis sa apartment, maa­aring nagmula ang pag­sabog sa Kotatsu, isang uri ng mababang mesa na may heater sa ilalim at ginagamit ito tuwing taglamig. Maaaring nag-short circuit ito nang mawisikan ng insecticide ang plug o outlet nito.

Ayon sa National Consumer Affairs Center of Japan, nakatanggap na sila ng ilang report na nagiging sanhi ng short circuit at electrical ex­plosion ang insecticide kapag aksidenteng na-spray sa electrical outlet.

Pinaalalahanan nila na iwasang mag-spray ng insecticide sa mga electrical outlet, motor o exposed wiring dahil maaaring may sangkap ang mga insecticide na mag-ignite ng apoy.

IPIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with