^

Punto Mo

Bayan sa Portugal, binaha ng alak!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ILANG kalsada sa Portugal ang binaha ng alak matapos mawasak ang imbakan ng isang distillery na gumagawa ng red wine!

Nag-viral kamakailan ang mga videos kung saan mapapanood ang pag-agos ng libu-libong galon ng red wine sa mga kalsada ng Sao Lourenco do Bairro matapos mawasak ang mga imbakan nito sa Destilaria Levira.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente ngunit may naireport na nasirang tahanan dahil sa ma­lakas na pagdaloy ng red wine.

Ayon sa chief executive ng Destilaria Levira na si Pedro Carvalho, mahigit 600,000 galon ng red wine ang umagos mula sa kanilang dis­tillery sa loob lamang ng isang oras. Ang sanhi ng aksidenteng ito ay structural failure ng mga vat o imbakan ng alak.

Sa inilabas na statement ng distillery sa kanilang Facebook page, humihingi sila ng paumanhin sa mga naapektuhang residente at nangangako silang sasagutin ang mga paglilinis at repair sa mga nasirang ari-arian.

vuukle comment

ALAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with