^

Punto Mo

Flocerfida (58)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BINANTAAN ni Florenz si Dong na may mangyayari kapag nakipaghiwalay ito,’’ sabi ni Daniel.

“Silahis pala si Florenz.”

“Oo Pinsan. Marami nang may alam na silahis si Florenz.”

“Pero may asawa at anak siya ‘di ba?”

“Oo. Tatlo yata ang anak ni Florenz.”

“So anong nangyari nakipaghiwalay din si Dong?”

“Oo Pinsan. Umalis na rin siya sa grupo at kinuha ang share niya sa operation ng Thai lotto. Lalong nag-ulol sa galit si Florenz nang malaman na malaki ang nawawala sa pera ng grupo. Halos kalahati. Nagkaroon ng komprontasyon. Si Dong ang treasurer ng grupo at sinabi nito na kinuha lamang niya ang share niya. Wala siyang ninanakaw. Kahit pa raw magsagawa ng auditing.

“Kumalma si Florenz. Hinayaan na si Dong. Pero ‘yun pala, may iniisip na itong paraan para makaganti kay Dong. Pinakamasakit daw na naranasan ni Florenz ay ang paghiwalay ni Dong at hindi ang pera. ‘Yun ang numero unong dahilan kaya pinlano ang unti-unting pagpatay kay Dong.”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with