^

Punto Mo

‘Pitsel’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MULA nang itago ko ang pitsel, napansin ko na hindi ako kinakapos sa araw-araw na pang­ngailangan. Ang suweldo ko ay may natitira pa. Hindi katulad ng dati na ilang araw pa bago magsuweldo ay bumabale na ako para may maibili ng bigas at ulam.

Matagal kong inisip kung bakit nagkaganoon. Wala naman akong ginagawa at lalong hindi nadadagdagan ang karampot kong suweldo. Hanggang sa mapagtuunan ko ng pansin ang pitsel na hindi ko na naisauli sa may-ari dahil laging walang tao sa bahay.

Nabuo sa aking isip na malaki ang kaugnayan ng pitsel kaya medyo lumuwag ang aking gastusin.

Kinuha ko sa pinagtataguan ang pitsel. Maingat kong inalis sa box. Sinuri kong mabuti. Wala naman akong makitang kakaiba. Katulad din ng iba pang pitsel na nakikita ko.

Pero nang suriin ko kung saan ginawa ang pitsel, may nakita akong mga characters na hindi ko maunawaan. Parang letra na nakikita ko sa mga lumang kasulatan na hindi ko maunawaan—parang sa Egypt. Hindi ako sigurado.

Itinago ko ang pitsel. Pero hindi pa rin inaalis sa isip na isauli ang pitsel sa babaing nagbigay sa akin nun.

Habang nasa piling ko ang pitsel, nagkasunud-sunod naman ang pagdating sa akin ng mga magagandang suwerte.

Nanalo ako sa mga raffle sa grocery. ­Malaking tulong sa akin iyon. Nanalo rin ako ng cash sa raffle na ginawa ng aming kompanya.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with