^

Punto Mo

Graduation ceremony ng isang Unibersidad sa U.S., isang puppet ang nagbigay ng graduation speech!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI karaniwang personalidad ang nagbigay ng keynote speech sa graduation ceremony ng University of Maryland ngayong taon dahil isang paboritong karakter mula sa Muppets, si Kermit the Frog, ang inimbitahan upang magbigay ng inspirasyon sa Class of 2025.

Si Kermit the Frog ay isang sikat na puppet character mula sa Muppets na nilikha ni Jim Henson at kilala bilang simbolo ng pagiging witty, mabait at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Sa harap ng daan-daang bagong graduates, inamin ni Kermit na hindi madali ang tumuntong sa tunay na mundo, lalo na sa panahong puno ng pagsubok sa ekonomiya at pulitika.

Ngunit sa halip na labanan ang isa’t isa para maabot ang tagumpay, pinayuhan niya ang mga nagsipagtapos na magtulungan. “Mas maganda ang buhay kapag sabay-sabay tayong tumatalon,” ani Kermit sa kanyang talumpati.

Hindi na bago sa University of Maryland ang presensya ni Kermit. Ang kanyang creator na si Jim Henson ay nagtapos sa naturang unibersidad noong 1960, at mayroong estatwa sina Henson at Kermit sa campus bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa sining at kultura.

Sa pag-anunsyo ng university president na si Darryll J. Pines, sinabi niyang napapanahon ang mensahe ng pag-asa at pagkakaisa na hatid ng kilalang Muppet, lalo na sa pagsisimula ng bagong yugto sa buhay ng mga graduates.

SPEECH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with