^

Punto Mo

2 Vietnamese na pekeng doctor, timbog ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAHIGIT anim na buwan na kulong ang aabutin ng dalawang Vietnamese na inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group dahil sa pagkasangkot sa illegal medical practice.

Ayon kay Col. Marlon Quimno, ng CIDG National Capital Region, ang mga suspects na sina Ms. Nguyen, 25, at Mr. Phuong, 37, ay hindi mga doctor at walang permit o kakayanang gumawa ng procedure, tulad ng nose lift, Korean Filler at iba pang pampagandang proseso.

Matagal nang ginagawa ng mga suspects ang illegal nilang gawain base sa mga resibo na nakumpiska ng CIDG raiders at karamihan sa kanilang kliyente ay mga babae. Nanawagan si Quimno sa mga kliyente ng dalawang Vietnamese na magsampa ng reklamo upang lalong tumagal sila sa loob ng kulungan. Mismooooo! 

Kinasuhan ni Quimno ng paglabag ng Medical Act na RA 4224, ang dalawang Vietnamese na kasalukuyang nakakulong sa CIDG NCR headquarters sa Camp Crame. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

“Sa mga kababayan natin, lalo na doon sa mga naghahangad na ma-improve ‘yung itsura nila, mag-ingat lang tayo. At kung gusto man nating panatilihin or improve ‘yung kaayusan natin doon tayo sa lehitimo na doktor talaga na lisensiyado at yung clinic ay may permit,” ang panawagan ni Quimno. “Huwag tayo doon sa mga mas mura pero hindi natin tiyak ‘yung safety natin, kalusugan natin,” ang dagdag pa ni Quimno.

Kaya naman nakialam si Quimno sa kaso dahil may complainant na sumulpot sa kanyang opisina ay nagreklamo na ang pinagawa n’yang ilong ay hindi maganda. Nagbayad umano s’ya ng P22,000 sa nose lift at Korean Filer. Eh di wow!

Ang ginawa ni Quimno ay pinabalik ang complainant sa clinic ng mga Vietnamese sa Doly Beauty Lounge na matatagpuan sa ground floor ng Ground Soho Condominium Residence sa Salcedo Village, Makati City para umulit sa procedure.

Pagkatapos nito, nag-isyu ang mga suspects sa resibo saka nag-fill up pa ng patient information at doon na dinakip ang dalawa. Hindi naman sila nanlaban. “Hindi sila doktor. Hindi rin sila medical technologists or whatever,” ani Quimno.” 

Siguro magaling lang sila mag- operate ‘yung magpapa nose lift at saka ‘yung Korean filler. Napag- alam ko yung parang collagen na ini-inject sa kung anong part para magmukha maganda or mas lalong gaganda yung isang tao,” ang giit no Quimno. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi masabi ni Quimno kung ano ang kaibahan ng hitsura ng complainant noong hindi pa s’ya nagpa-procedure at pagkatapos nito dahil hindi n’ya nakita ang una bago s’ya magreklamo. Sanamagan!

Aniya, may nahuli din sila ng nakaraan mga buwan na mga Vietnamese na sangkot din sa illegal procedure sa buttocks, pampalago ng kilay at iba pang pampa-beauty subalit hindi sila iisang sindikato. Ang sakit sa bangs nito!

Ayon kay Quimno, magpapadala s’ya ng sulat sa Bureau of Immigration para rebisahin ang passports at iba pang dokumento ng dalawang Vietnamese at aalamin kung meron sila permit to work sa Pinas. Magkakalinaw din ang kasong ito! Abangan!

CIDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with