Mga lahi ni Abraham ang lilipol sa sanlibutan?
MALALAGAY sa peligro ang buhay at hanapbuhay ng OFWs at ekonomiya ng Pilipinas kapag nagpatuloy ang giyera ng Israel at Iran. Lulubha pa kung tutulong ang U.S. sa Israel.
Matandang alitan na ang namamagitan sa Iran at Israel. Pinag-ugatan ang pagbabagong anyo ng gobyerno mula sa pagiging Israel Palestine. Noong 1948, nagbagong anyo ito bilang State of Israel sa mandato ng Britain.
Nahiwalay ang Bethlehem at Jerusalem na nasasakupan ng Westbank at Gaza Strip na ginigiyera ngayon ng Israel. Mula sa lahi ni Abraham na sina Ishmael at Isaac ang nagbabangayan. Tsk-tsk-tsk!
Una rito, sinita ni U.S. President Donald Trump ang International Criminal Court (ICC) nang tangkain nitong arestuhin si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu. Kamping-kampi talaga. Paano naman si Digong?
Hindi miyembro ng ICC ang U.S. mula nang kumalas ito sa organisasyon noong 2002. Kapansin-pansin ang ginagawang suporta ni Trump kay Netanyahu kaya posibleng ayudahan niya ito ng tulong pinansyal at armas pang-giyera.
Maagang nagbitiw na pinuno ng Department of Government Efficiency (DOGE) sa administrasyon ni Trump ang bilyonaryong si Elon Musk. Kinontra nito ang labis na paggasta ng gobyerno sa mga walang kabuluhang bagay. Malamang kontra si Musk sa giyera at ayaw naman ni Trump pumunta sa Mars. He-he!
Ugali na ng U.S. ang makialam sa giyera lalo na kung miyembro ng United Nations ang napapalaban. Bibigyan muna ng ayuda at sa bandang huli, bebentahan ng mga armas at sasakyang pandigma. Puwedeng utang na may kondisyon na babayaran mula sa idaragdag na buwis sa mamamayan. Di ba?
Kapag tuluyang lumala ang sitwasyon, posibleng tumulong sa Iran ang Russia at Lebanon na nakatulong nila noon laban sa Syria at Iraq. Nagbabantay din naman sa ikikilos ng U.S. ang Saudi Arabia bilang kaalyado. At least, malayong mauwi sa religious war ang mga anak ni Abraham.
- Latest