^

Punto Mo

Mga pulis na rumesponde sa report na may babaing humihingi ng saklolo, mga parrot ang natagpuan!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NATAWA na lamang ang mga pulis sa Essex, England nang makitang mga alagang parrot pala ang gumagawa ng ingay na inakalang “babaing humihingi ng saklolo”!

Mababasa sa social media post ng pet owner na si Steve Wood, ikinuwento nito na kinabahan siya nang makitang may mga pulis na kumakatok sa kanyang tahanan sa Canvey Island. Pagkabukas niya ng pinto, nagtawanan ang mga pulis nang ma­kita na mayroon siyang 22 alagang parrot.

Ipinaliwanag sa kanya ng mga pulis na nakatanggap sila ng emergency call na mayroong babae na sumisigaw at tila humihingi ng saklolo sa kanyang address. Pero naging malinaw sa mga rumespondeng pulis nang makita na ma­rami siyang alagang parrot.

Ayon kay Wood, maingay tuwing umaga ang kanyang mga parrot pero nitong mga nakaraang araw, kakaiba ang lakas ng boses ng kanyang three-year old parrot na si Freddie.

Bilang isang retired police officer, hinangaan ni Wood ang mabilis na pagresponde ng mga pulis sa emergency call.

 

vuukle comment

PARROT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with