Anekdota ng mga scientist
Isaac Newton
Noong 22 years old si Newton, pansamantala muna siyang tumigil sa pag-aaral dahil sa pesteng kumalat na tinatawag na black death. Sakit ito na nanggaling sa itim na mga daga. Kumalat ito sa buong Europe. Habang nakabakasyon sa school, naimbento niya ang calculus.
Matinding nervous breakdown ang naranasan ni Isaac Newton noong 1678. Nagkaroon muli siya ng ikalawang breakdown noong 1693. Chemical poisoning ang hinihinalang dahilan ng kanyang ikalawang breakdown. Nalalanghap niya ang mga chemicals na ginagamit sa kanyang mga experiments. Permanente na siyang tumigil sa kanyang pagiging scientist pagkatapos atakihin ng nerbiyos sa ikalawang pagkakataon.
Henry Cavendish
Si Henry Cavendish (1731-1810), na isang English chemist at physicist, ay hindi kumportable sa ideyang siya ay pinamanahan ng malaking halaga ng mga magulang. Pinagsabihan niya ang kanyang banker na huwag dalasan ang pagpapadala sa kanya ng sulat upang ipaalala kung magkano ang nakadeposito niyang pera.
Si Cavendish ay may phobia sa babae. May mahigpit siyang habilin sa kanyang mga maids na huwag magpapakita sa kanya kapag siya ay nasa loob ng bahay. Idinadaan na lang sa sulat ang lahat ng kanilang komunikasyon sa isa’t isa. Ang lumabag sa kanyang utos ay agad pinalalayas sa bahay.
Albert Einstein
Noong nagtuturo pa sa Princeton University si Einstein ay sikat na sikat siyang personalidad. Minsan ay nagtaksi siya pero hindi masabi sa drayber ang kanyang kumpletong address dahil nakalimutan niya. Malinaw sa kanyang isipan kung anong hitsura ng kalyeng kinatitirikan ng kanyang bahay pero hindi niya matandaan kung anong pangalan ng kalye. Mabuti na lang at nakilala siya ng drayber at alam kung saan siya nakatira. Tinulungan na siyang ihatid sa kanyang tirahan, inilibre pa siya ng pamasahe dahil fan niya ang drayber.
- Latest