^

Punto Mo

Lalaki sa China, nagregalo ng bouquet na gawa sa pera na milyones ang halaga

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAHIL, gustong pabulaanan ng isang lalaki sa China ang kasabihang hindi nabibili ng pera ang pag-ibig matapos nitong regaluhan ang kanyang kasintahan ng isang kakaibang bouquet.

Sa halip kasi na mga bulaklak ay binubuo ng perang papel ang bouquet na ibinigay ng hindi na kinilalang lalaki sa kanyang girlfriend sa kaarawan nito, ayon sa ulat ng South China Morning Post noong Mayo 25.

Isa-isang itinupi ang mga perang papel upang magmukhang bulaklak ang mga ito. Ayon sa isa sa mga nakakaalam ng ginawang preparasyon ng lalaki para sa kanyang regalo ay ginawa raw ito ng mga manggagawa ng isang local florist.

Inabot daw ng 10 oras ang pitong manggagawa upang mabuo ang bouquet na pera na tinatayang nasa 334,000 yuan (katumbas ng P2.7 million) ang kabuuang halaga.

Dahil sa laki ng halagang ginamit ay binuo raw ito sa mismong venue ng birthday party ng babae, kung saan ibinigay ng lalaki sa kanyang girlfriend ang bouquet.

Mayroon namang mga hindi nabilib sa ginawa ng lalaki, kabilang na ang isang manager ng People’s Bank of China.

Maari raw kasing maharap sa reklamo ang lalaki dahil ipinagbabawal ng batas ng China ang pagsira sa mga pe­rang papel. May mga iba naman daw na paraan para ipakita ang pagmamahal kaya sana raw ay pumili na lang ang lalaki ng paraan na naayon sa batas.

vuukle comment

BOUQUET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with