12,716 pancakes, inihain nang sabay-sabay sa Russia para sa Pancake Day
ISANG bagong world record ang naitala sa Russia matapos 12,716 pancakes ang naihain nang sabay-sabay ng 16 chefs doon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pancake Day.
Panay sariwa ang mga inihaing pancakes na dahil sabay-sabay ang mga itong niluto sa mismong site alinsunod sa patakaran ng Guinness World Records.
Naitala ang world record nang makumpirma na 12,716 pancakes ang naihain matapos ang walong oras na pagluluto.
Ipinagdiriwang ang Pancake Day sa iba’t ibang bansa bago magsimula ang Lenten season.
Noong unang panahon kasi ay nakagawian na ng mga tao na magluto ng pancake isang araw bago ang Ash Wednesday upang maubos nila ang mga nakaimbak nilang arina at mantikilya bilang sakripisyo para sa panahon ng Kuwaresma.
Hindi lang tungkol sa relihiyon ang Pancake Day sa Russia bilang ipinagdiriwang din ito bilang hudyat ng katapusan ng taglamig.
- Latest