^

Punto Mo

Higanteng baboy ramo, napatay ng isang negosyante sa Russia

- Arnel Medina - Pang-masa

KADALASAN nang kinatatakutan ang Friday the 13th dahil sa kamalasang dala raw nito ngunit para sa Russian businessman na si Peter Maximov, naging masuwerte ang huling Friday the 13th ng taon sa kanya nang siya ay nangaso noong Nob. 13, 2015.

Nagpunta si Maximov sa kakahuyan malapit sa bayan ng Shokurov upang mangaso, na siya niyang libangan linggu-linggo. Naglagay siya ng pain sa isang lugar kung saan maraming gumagalang baboy-ramo at saka umakyat sa isang tore upang maghintay sa mga kakagat sa kanyang bitag.

Hindi lubos akalain ni Maximov na kaiinggitan pala siya ng bawat mangangaso sa buong mundo dahil sa kanyang mahuhuling baboy-ramo nang araw na iyon. Isang higanteng baboy-ramo kasi na may bigat na humigit-kumulang 500 kilo ang kumagat sa kanyang pain. Binaril niya kaagad ito ngunit sa laki ng hayop ay hindi ito kaagad tumumba. Nagawa pa nitong tumakbo palayo sa kakahuyan kaya napilitan si Maximov na habulin ito.

Dahil sa laki ng baboy-ramo ay hindi siya naglakas-loob na hulihin itong mag-isa kaya nagpatulong siya sa isa sa mga rangers sa lugar sa paghabol sa higanteng hayop.

Matagal bago natunton ng dalawa ang kanilang hinuhuling baboy-ramo at natagpuan lamang nila ito sa pamamagitan ng mga iniwan nitong bakas ng dugo. Binaril pa nila ito ng isa pang beses nang matagpuan nila itong hindi gumagalaw habang nakahiga sa niyebe ngunit malakas pa pala ang baboy-ramo na sinugod pa sila. Kinailangan pang magtago ng dalawa sa isang puno bago nila ito napatumba nang paputukan nila ito ng ikatlong beses.

Nang sukatin ang baboy-ramo ay napag-alamang nasa 535 kilo ang bigat nito at may taas na 1.7 metro. Sa sobrang laki, hindi ito nagawang isakay ni Maximov sa kanyang pick-up truck kaya hinila na lamang niya ang katawan nito hanggang sa makarating siya sa pinakamalapit na bayan.

Karaniwang umaabot lamang sa bigat na 350 kilo ang mga baboy-ramo sa Russia kaya naman talagang napakalaki ng nakatagpo ni Maximov. Pambihira na rin ang mga dambuhalang baboy ramo sa nasabing bansa dahil sa dami ng mga katulad ni Maximov na ginagawang libangan ang paghuli at pagpatay sa mga ito.

ANG

BABOY

BINARIL

DAHIL

ISANG

ITO

MAXIMOV

MGA

PETER MAXIMOV

RAMO

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with