Warning mula sa Facebook
MAY pakinabang din ang pagkakaroon ng account sa Facebook. Sari-saring warning ang iyong mababasa sa newsfeed. Narito ang pinakapaborito ko sa mga iyon:
Two-Way Mirror at Totoong Mirror
Ano ang Two-Way Mirror? Ito ay madalas matatagpuan sa public toilet, mga paupahang kuwarto kung saan ginagawa ang “panandaliang pakikipagtalik” kagaya ng motel, hotel, etc. Ang hitsura nito ay kagaya ng pangkaraniwang mirror ngunit sa likod ng salaming two-way mirror, nakikita ka nila sa kabilang side pero hindi mo sila nakikita.
Paano malalaman kung two-way mirror ang kaharap mo? Idikit ang dulo ng kuko ng hintuturo sa mirror. Kung two-way mirror: ang mismong kuko at reflection nito ay makikitang magkadikit. Ngunit kung ito ay genuine mirror, may makikitang puwang sa pagitan ng mismong kuko at reflection nito sa kabilang side.
Mag-ingat! Basta’t nakakita ng mirror sa lugar na delikado kang mabosohan, gawin kaagad ang “fingernail test”.
- Latest