^

Punto Mo

Maiipit si Col. Barlam at mga tauhan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Napaglalangan ng pergalan sa Calasan St., Bgy. Olympia sa Makati City na pag-aari ni alyas Danny at kakutsabang sina SPD director Chief Supt. Henry Rañola at Makati COP Sr. Supt. Ernesto Barlam si NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria. Imbes na magsara kasi ang pergalan ni Danny sa utos ni Valmoria, aba bukas na bukas ito mula 10 ng gabi hanggang umaga kung saan tulog na ang police raiders. Mabibisto rin ni Valmoria ‘yang gimik n’yo!

* * *

Dahil sa blind obedience sa kanilang superiors, samu’t saring reklamo ang aabutin ni Makati City OIC Sr. Supt. Ernesto Barlam at kanyang mga tauhan dahil sa pag-demolish nila ng mga kabahayan sa isang lote noong nakaraang buwan. Nagreklamo na sa opisina ni PNP OIC Dep. Dir. Gen. Leonardo Espina si Rogelio Morano, ang administrador ng lote, na matatagpuan sa kanto ng Apolinario at Calhoun Sts., sa Bgy. Pio del Pilar o Bangkal. Ang isinampang reklamo ni Morano ay illegal demolition, violation ng Human Rights, grave misconduct at abuse of authority, violation ng anti-graft act at iba pa. Kasama sa inireklamo ni Morano ay si Supt. Jaime Santos, deputy ni Barlam; Chief. Insp. Joel Anas, Sr. Insp. Rudy Tallud at aabot pa sa 40 pulis. Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Itong nabanggit na lote pala mga kosa ay nakarehistro sa pangalan ng Skyline International Inc., at si Morano ang namamahala. Subalit noong Feb. 17, nagulantang ang mga residente roon nang dumating ang isang crane at dinimolish nga ang mga bahay at itong mga inireklamong pulis ang nagsilbing guwardiya, ani Morano. Kasama sa grupo si Angel Doroni, ang sheriff ng RTC Branch 77 ng Quezon City na pinaboran si Rufina Luy Lim, ang claimant ng lote. Ang raiding team ay armado ng notice to vacate na may petsang Jan. 2014; order ng RTC 77 to fully implement the writ of possession dated June 30, 2014; notice to vacate, demolish with attached writ of demolition dated Oct. 30, 2014, demand letter ng abogado ni Lim na humihingi ng P70,000 rental sa property at ang notice of meeting for pre-demolition conference.

Dahil sa katakut-takot na papeles na dala ni Doroni, siyem­pre itinuloy ni Barlam ang pag-demolish ng mga bahay doon at hindi nga nakaporma ang mga residente dahil napaligiran sila ng SWAT at naka-uniporme at naka-sibilyan na mga pulis. Boom Panes! Hehehe! Magkano kaya….este bakit kaya?

Sa kanyang reklamo, iginiit ni Morano na hindi pinansin ni Barlam at kanyang mga tauhan ang mga bitbit din n’yang papeles tulad ng execution order ng MTC Branch 67 ng Makati City directing Skyline International Inc., to levy and auction ang nasabing lote; ang decision ng Court of Appeals noong July 22, 2013 na ibinasura ng apela ni Lim at ang denial ng kanyang Motion for Reconsideration noong Sept. 9, 2014.Talagang masalimuot ang kaso ng lupa, no mga kosa? Ang balak pa nitong si Morano ay iparating ang reklamo n’ya laban kay Barlam at kanyang mga tauhan kay Vice Pres. Jojo Binay. Ano ba ‘yan? Hehehe! Si Barlam at kapulisan ang maiipit dito, di ba mga kosa?

Sa ngayon, naghahanda na rin si Morano na magsampa ng kaso laban kina Judge Germano Francisco Legaspi ng RTC Branch 77 ng Quezon City, Atty. Virgilio Follosco, clerk of court ng Branch 77, sheriff Doroni at Atty. Jorge Hirang, ang abogado ni Lim. ‘Yan ang tamang hakbang.

Sa korte na dapat maglabanan ang magkabilang kampo para hindi naman madamay ang mga pulis, tulad ni Barlam, na nagtrabaho lang, di ba mga kosa?  Abangan!

vuukle comment

BARLAM

BOOM PANES

ERNESTO BARLAM

HEHEHE

MAKATI CITY

MORANO

QUEZON CITY

SKYLINE INTERNATIONAL INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with