^

Punto Mo

Manong Wen (204)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO ang nangyari at binaril ka ng kidnaper, Jo?” Tanong ni Tandang Nado.

“Sinaklolohan ko po ang nobya ko at ang kanyang kapatid na hawak ng mga kidnaper. Arnis lamang po ang hawak ko.’’

“Tsk-tsk! Dapat hindi ka sumubo na ang armas lamang ay arnis laban sa baril. Ang arnis ay para lamang sa itak o patalim at hindi sa baril. Mabuti at hindi ka napuruhan, Jo. Mabuti at mababaw ang tama mo.’’

“Kinaawaan po ako ng Diyos, Tatang Nado at sa­lamat din dahil ikaw po ang nagligtas sa akin.’’

“Nasabi ko kasing ang arnis ay para lamang sa itak o patalim dahil ako ay maru­nong ng arnis. Kung ang kalaban ko ay itak o samurai ang hawak, tiyak na magkakadurog-durog ang katawan. Pero kung baril ang kaharap ko, takbo na ang dapat. Hindi karuwagan ang tumakbo sa kalaban na may baril.’’

“Tatandaan ko po, Tatang Nado.’’

“Kung ganoon pala ay mga halang ang kaluluwa ng nakasagupa mo.’’

“Opo. Nang barilin ako, nagpatay-patayan na ako. Mabilis silang umalis para habulin ang tumatakas kong nobya at kanyang kapatid. Hindi ko na po alam ang nangyari sa kanila. Baka po… napa­hamak na sila!”

Nalungkot si Tandang Nado.

“Sige magpagaling ka lang dito sa kubo ko at kapag maaari ka nang maglakad, ihahatid kita kung saan ka man nakatira.’’

“Salamat po.’’

“Palagay ko baka abutin ka ng isang linggo rito.’’

“Malakas na po ako. Baka bukas puwede na.’’

“Huwag mong pilitin at baka mabigla.’’

Hanggang may itanong si Jo.

“Ba’t naging ermitanyo ka Tatang Nado?”

Nalungkot si Tatang Nado sa tanong. Hindi agad nakasagot.

(Itutuloy)

DAPAT

DIYOS

HANGGANG

HUWAG

ITUTULOY

NALUNGKOT

TANDANG NADO

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with