^

Punto Mo

Manong Wen (201)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“WALA po talagang naa-admit dito na kamukha nitong nasa picture,” sabi ng babae sa information.

“Nabaril siya.”

“Dapat po sa pulis kayo pumunta at baka sila ang nakaaalam. Basta po nabaril o kaya’y nasaksak, mare­report agad sa mga pulis.’’

“Ah ganoon ba. Sige sa presinto na ako pupunta. Salamat Mam.’’

“Wala pong anuman, Sir.’’

Umalis na si Diego.

Nagtungo siya sa presinto ng pulis at baka may report dito ukol kay Jo. Sinabi niya sa pulis na nasa information ang tungkol kay Jo. Ipinakita rin niya ang picture nito. Pinagmasdan ng pulis ang retrato.

“Wala pong report ukol sa taong ito,” sabi ng pulis. “Saan po ba nangyari ang krimen?’’

“Sa Bgy. Villareal po, Sir.’’

“Wala kaming natatanggap na insidente roon.’’

Walang nagawa si Diego kundi umalis. Tama ang kutob niya na wala siyang malalaman sa mga pulis. Walang alam ang mga ito sa nangyayari sa paligid. Hindi nakapagtataka kung bakit maraming krimen sa bansa ngayon.

Sa halip, ipinasya ni Diego na magbalik na sa ospital na kinaroroonan ni Mam Diana. Sasabihin niya kay Princess na ginawa na niya ang lahat para makita si Jo pero hindi siya nagtagumpay.

Nag-iiyak si Princess nang malaman na hindi niya natagpuan si Jo. Lumapit si Precious at pinakalma ang kapatid.

“Ate, huwag kang mawalan ng pag-asa. Baka naman may nakapagligtas kay Kuya Jo at nagpapagaling na. Huwag kang umiyak.’’

Binalingan ni Precious si Diego.

“Manong Diego, ano po palagay mo, buhay pa si Kuya Jo?’’

“Mahirap sagutin, Precious. Hangga’t hindi ko nakikita ang katawan, mahirap magsalita.’’

“Kung may nangyari naman po sa kanya sana ay naroon ang katawan. Pero ba’t wala?’’

“Iyong nga ang gusto kong sabihin. Mas maganda siguro, magdasal tayo na ligtas siya. Baka naman may nagligtas sa kanya.’’

NANG mga sandaling iyon, isang matandang lalaki ang nagpapakulo ng dahon ng bayabas at banaba. Ipang­huhugas niya iyon sa sugat ng isang lalaki. Binaril ang lalaki at tinamaan sa balikat. Naalis na niya ang tingga sa balikat. Ang matandang lalaki ay si Tandang Nado.

(Itutuloy)

KUYA JO

MAM DIANA

MANONG DIEGO

NIYA

PULIS

SA BGY

SALAMAT MAM

TANDANG NADO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with