^

Punto Mo

Manong Wen (68)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINUHA ni Princess ang attaché case ni Manong Wen sa ilalim ng kama. Parang bago pa ang attaché case sapagkat lagi niya itong pinupunasan. Alam niya na mahal ng kanyang tatay ang attaché case na lagi nitong dinadala sa pag-aabroad. Walang ibang dala kapag nag-aabroad ang kanyang tatay kundi ang attaché case. Pagbalik galing Saudi, iyon pa rin ang dala at ang laman ay ang pasalubong sa kanila ni Precious na mga Saudi gold at pabango. Sayang nga lamang at ang mga alahas ay naisangla niya noong nagpapagamot ang kanyang tatay. Nasimot ang mga alahas.

Binuksan niya ang attaché case. Ngayon lang niya nabuksan muli ang attaché case. Huli niyang binuksan iyon ay makaraang ilibing ang kanyang tatay. Pero hindi niya hinalungkat ang laman. Hindi niya pinakia­laman. Basta binuksan lang niya at isinara muli. Naalala kasi niya ang tatay niya at napaiyak. Pinunasan na lang niya ang attaché case.

Ngayon ay hahalungkatin na niya at baka mayroon siyang makitang brochure o manual o kahit anong lista­han na maaaring makapagturo sa kanya sa paggamit ng arnis.

Una niyang nakita ay ang lumang passport. Binuklat niya. Nakita niya ang photo ng tatay niya. Guwapo ang tatay niya. Nakita niya ang certificate of employment na nakasulat sa English at Arabic. Nakita rin niya ang Letter of no objection mula sa company ng tatay niya. Binasa niya. Iyon pala ay sulat na nagsasabing kahit bumalik muli sa Saudi ang kanyang tatay ay walang tutol ang dating kompanya.

Sunod na nakita niya ay mga pictures. May picture ang kanyang tatay na may hawak na arnis at naka-kimono. Red ang belt. Bakit kaya Red?

Hinalungkat pa niya. Parang kinutuban siya na may makikitang manual sa arnis.

Hindi siya nagkamali. Isang makapal na notebook ang nakita niya. Naroon lahat ang may kinalaman sa arnis. Iyon ang hinahanap niya!

(Itutuloy)

ATTACH

CASE

COPY

IYON

MANONG WEN

NAKITA

NIYA

TATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with