^

Punto Mo

‘Ber months’pinaghahandaan na ng PNP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ilang linggo na lamang at sasapit na ang tinatawag na ‘ber months’.

Ngayon pa lang pinaghahandaan na ito ng pamunuan ng PNP, kung bakit, dahil sa inaasahang pagdami na naman ng mga petty crimes.

Tuwing sasapit kasi ang ‘ber months’ hindi naikakaila ang  pagtaas sa kaso ng mga petty crimes, maging ang PNP eh aminado rito.

Sa ganitong panahon kasi,  aktibo ang mga kawatan na matindi ang pangangailangan. 

Bilang paghahanda nga, nakatakdang ipakalat ng PNP ang may 900 bagong recruits na pulis sa mga  crime prone areas sa Metro Manila .

Tutulong umano ang mga ito sa pagpapaigting  sa  kampanya ng PNP laban sa kriminalidad  sa Kalakhang Maynila.

Magiging visible daw ang mga unipormadong pulis na ito lalu na nga sa mga lugar na sinasabing madalas ang nagaganap na krimen.?Kabilang sa mga lugar na sinasabing crime prone areas ay  ang nasa hurisdiksyon ng Police Community Precinct 10 ng Bagong Silang, Caloocan City; PCP 4 sa Barangay Tugatog, Malabon City; PCP 4 sa North Bay Boulevard South, Navotas City; PCP 3 sa Marulas, Valenzuela City; PCP 2 sa Sto. Niño, Marikina City; PCP 4 sa Pinagbuhatan, Pasig City; PCP 2 sa Plainview, Mandaluyong City; PCP 1 sa Greenhills, San Juan City; PCP 6 sa Barangay Sto. Niño, Pasay City; PCP 6 sa Ayala, Makati City; PCP 1 sa Baclaran, Parañaque City, PCP 3 sa Barangay Pamplona, Las Piñas City; PCP 2 sa Alabang, Muntinlupa City at PCP 4 sa Signal Village, Taguig City.

Pero dapat hindi lang basta ikalat ang mga bagong parak na ito, dapat din may nakahandang mga bagong estratihiya na talagang makakatulong o makapipigil sa mga kawatan o kriminal sa kanilang mga operasyon.

Hindi lang basta dami sa bilang o visibility,  dapat may pantapat na aksyon sa ibat-ibang modus ng mga kawatan.

Maging ang mga tauhan sa barangay kailangan na ring gumalaw para malabanan sa ibaba pa lamang ang mga operasyong pinaghahandaan ng mga kriminal.

 

 

                          

 

BAGONG SILANG

BARANGAY PAMPLONA

BARANGAY STO

BARANGAY TUGATOG

CALOOCAN CITY

CITY

PCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with