Pag-asa
ANG nakagisnan nating kahulugan ng pag-asa ay ang paniniwala sa isang positibong resulta ng mga kaganapan. May kalakip itong pakiramdam ng kagustuhan, kasawian, pagnanasa at pag-asam. Ang paniniwalang mas maganda o positibo ay posible kahit mayroon pa mang ebidensiyang kumokontra rito.
Ang pag-asa ay pag-aasam para sa mga bagay na matupad. Umaasa tayo para sa isang konkretong bagay na positibo ang kahihinatnan. We wish for good health, money, success, world peace. At kung minsan pa’y napagpapalit natin ang “hopeful” at “optimistic.”
Sa pagbabasa ko ng Bibliya, sa libro ng Hebrews, natutunan kong ang pag-asa ay hindi dapat pag-aasam o paghihintay sa positibong mangyari. Pinatotohanan din ito ni Vaclav Havel, isang playwright at dating presidente ng Czech Republic: “Hope is not the conviction that something will turn out well, but the certainty that things will make sense, regardless of how it turns out.”
Nang unang beses kong marinig at mabasa ang mga katagang ito, ako ay naliwanagan kaagad sa ating maling pag-intindi sa salitang pag-asa. Gayundin, naintindihan ko kung bakit maraming tao ang nabibigo kapag hindi nila nakamit ang kanilang inaasahan.
Hindi dapat laging positibo ang target kaya tayo umaasa. Shift in perspective.
Ang pag-asa ay hindi ang paghihintay sa kabutihan at kagandahan.
Hindi ito makatotohanan. Ang buhay ay malupit at masalimuot.
Iyan ang reyalidad.
Ang pag-asa ay ang kamalayang may saysay at kahulugan ang mga bagay, ano man ang kalabasan nito.
Ito ang paniniwala kung saan matatagpuan nating may saysay ang lahat ng ating ikinabubuhay.
- Latest