^

Punto Mo

Babaing pinakamabilis magsalita kayang sabihin ang 11 salita sa 1 segundo

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae mula sa New York ang tinaguriang ‘motor mouth’ dahil sa bilis niyang magsalita. Aakalaing may motor ang kanyang bibig kapag nagsasalita.

Siya si Fran Capo. Nagagawa niyang bumigkas ng 600 salita sa loob ng isang minuto. Sa sobrang bilis ng kanyang bibig, nakakaya niyang makapagbitiw ng 11 mga salita sa loob ng isang segundo. Minsan na niyang nagawang isalaysay ng buo ang pambatang kuwento na The Three Little Pigs sa loob lamang ng 15 segundo.

Simula pagkabata ay sadya nang mabilis magsalita si Fran ngunit natuklasan lamang niya ang kakaibang bilis sa pagsasalita nang nagtrabaho bilang stand-up comedienne sa mga comedy bar sa New York. Nakilala siya sa kanyang mabilis na pagsasalita at nang lumaon ay inimbitahan siya ng mga programa sa mga radyo at telebisyon upang maipamalas ang bilis ng kanyang pagsasalita.

Nang sumikat na siya sa kanyang kakaibang talent, pinagpasyahan na niyang kuhanin ang titulo ng Guinness bilang pinakamablis na magsalita sa buong mundo. Nag-ensayo siya para sa pagkuha niya ng nasabing titulo sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabasa ng mga dasal mula sa Bibliya. Naging epektibo naman ang pageensayo ni Fran dahil nakuha niya ang titulo ng Guinness noong 1990.

Matapos niyang makuha ang titulo, naging sunud-sunod na ang balita sa kanya sa mga pahayagan at mga palabas sa telebisyon. Nakapagsulat na rin siya ng ilang libro.

vuukle comment

AAKALAING

BIBLIYA

FRAN

FRAN CAPO

MATAPOS

MINSAN

NAGAGAWA

NEW YORK

THREE LITTLE PIGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with