^

Punto Mo

‘Diskriminasyon sa trabaho’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISTRIKTONG ipinatutupad sa ilang mga bansa ang pantay-pantay na pagtrato sa mga aplikante at empleyado.

 May kapansanan man, bata o matanda basta may ka­kayanang gampanan ang trabaho, agad ini-empleyo.

 Anumang kumpanya, pribado man o gobyerno. hindi maaaring tumanggi o magsibak ng tao anumang oras nilang gustuhin dahil lamang sa katangiang-pisikal ng isang indibidwal.

 Isa ang Estados Unidos sa mga nagpapatupad ng batas tungkol dito. Mayroon silang tinatawag na Equal Employment Opportunity o EEO. Ito ang batas na nagbabawal sa diskriminasyon.

 Sa Pilipinas, agresibong isinusulong ngayon sa Senado ang Anti-Age Discrimination in Employment Act of 2013 o katulad ng EEO sa Amerika.

 Layunin umano nito na protektahan at mabigyan ng oportunidad ang sinumang gustong pumasok sa mga kumpanya at magkaroon ng trabaho.

 Ang problema, sakaling maipasa man ito, hindi aplikable ang batas sa Pilipinas. Marami sa mga kumpanya, kinamulatan na ang pag-eempleyo ng may diskriminasyon.

 Marami sa mga aplikante, hindi natatanggap dahil lamang sa kanilang hitsura, edad, pa­aralan, bihis at iba pa nilang katangian. Umiiral pa rin ang mga kwalipikasyon na nasa listahan.

 Maganda sana ang isinusulong na Anti-Age Discrimination in Employment Act, subalit malaki ang magiging problema nito sakaling maging ganap nang batas at ipatupad sa bansa.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas- 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

AMERIKA

ANTI-AGE DISCRIMINATION

EMPLOYMENT ACT

EQUAL EMPLOYMENT OPPORTUNITY

ESTADOS UNIDOS

MARAMI

SA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with