^

Punto Mo

Sandamakmak na billboard

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang hindi yata talaga makokontrol ang pagdami ng mga naglalakihang billboard sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.

Kapansin-pansin na lalu pa nga itong nagsulputan noong nagdaang Semana Santa kung saan marami sa ating mga kababayan ang nagbiyahe palabas ng Metro Manila.

Sa madaling salita sinamantala, para sa mga biyahero.

Maging ang MMDA ay nahihirapan na rin sa pagkontrol dito, na maaaring maging sanhi ng aksidente sa kalsada.

Diyan lang sa South Luzon Expressway,  pansin ng maraming motorista ang naglalakihang billboard na inilagay mismo sa center island.

Eto ha, hindi pa marahil napag-uukulan ng pansin ang panganib na dulot nito,  pero wag na sanang hintayin pang may madisgrasya at saka pagtutuunan ng aksyon.

Mababa ang mga billboard na ito sa center island lalu na pagpasok pa lang ng SLEX buhat sa Makati City papuntang south, kaya posibleng maka-distract sa pagmamaneho ng mga motorsta dahil sa halos pantay sa mata at sa binabaybay na kalsada.

Maging ang mga higanteng billboard sa Edsa, na grabe ang ilaw na talaga namang nakakasilaw.

Delikado  sa mata ng mga nagmamaneho at maaari ring pagsimulan ng aksidente.

Sana ay mabigyan ito ng kaukulang pansin ng mga kinauukulan, at huwag nang hintayin pang may magbuwis pa ng buhay bago kumilos.

Sa dami ng mga aksidente sa lansangan, sana eh huwag nang madagdagan.

DELIKADO

DIYAN

EDSA

ETO

KAPANSIN

MAKATI CITY

METRO MANILA

SEMANA SANTA

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with