^

Punto Mo

Doktor, naglakad ng 10 KM kahit bumabagyo mailigtas lamang ang pasyente

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG doktor sa Birmingham, Alabama ang naglakad ng anim na milya (10 kilometro) sa kabila na bumabagyo ng niyebe mapuntahan lamang ang isang pasyente na kinakailangang operahan sa utak.

Kakatapos lang ni Dr. Zenko Hrynkiw sa isang operasyon nang makatanggap ng tawag sa isang kapwa doktor. May emergency pala ang isa niyang pasyente sa ibang ospital at may posibilidad na mamatay ito kung hindi niya maooperahan sa utak sa lalong madaling panahon.

Sakay ng kotse, agad umalis si Dr. Zenko papunta sa ospital kung nasaan ang nasabing pas­yente ngunit dahil sa kapal ng niyebeng bumabagsak, nagkaroon ng roadblock. Pinipigilan na ang mga motorista dahil hindi na ligtas ang kalsada.

Sinubukan siyang tulungan ng mga kinauukulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang sasakyan na maaring maghatid sa kanya sa ospital subalit wala talagang sasakyan na kayang sumuong sa makapal na niyebe.

Napagpasyahan ni Dr. Zenko na lakarin ang anim na milya papunta sa ospital na kinaroroonan ng pasyente.

Limang oras ang ginawang paglalakad ni Dr. Zenko papunta sa ospital. Ngunit sa kabila ng anim na milyang paglalakad sa gitna ng mga nagyeyelong kalsada, ni hindi man lamang tumigil para magpahinga si Dr. Zenko­. Dumiretso agad siya sa pas­yente at ginawa ang operasyon.

Naging matagumpay ang operas­yon at nailigtas ang pas­yente sa kamatayan.

Marami ang humanga kay Dr. Zenko. Para naman sa doktor, ang kanyang ginawa ay parte ng kanyang trabaho at ginampanan lamang ang tungkulin.

 

DR. ZENKO

DR. ZENKO HRYNKIW

DUMIRETSO

KAKATAPOS

LIMANG

MARAMI

NAPAGPASYAHAN

NGUNIT

PINIPIGILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with