Isang milyong ipis, nakatakas sa isang laboratoryo sa China
HINDI bababa sa isang milyong ipis ang nakawala sa isang laboratoryo sa China kung saan sila ay inaalagaan upang gawing sangkap ng traditional medicine.
Ayon sa isang lokal na pahayagan sa China, ang mga ipis ay nasa isang greenhouse sa bayan ng Dafeng sa probinsiya ng Jiangsu. Nakatakas umano ang mga ipis matapos pasukin ng isang hindi pa nakikilalang salarin ang greenhouse at sirain ito. Ang mga nakatakas na ipis ay agad nagpuntahan sa kalapit na bukirin.
Peste kung ituring ang ipis ng mga tao sa mundo ngunit para sa mga Tsino, ang mga ipis ay maaring makatulong sa pagÂlaban sa mga sakit katulad ng cancer at arthritis. Dinudurog ang mga ipis upang maging sangkap sa kanilang mga tradisyunal na gamot.
Kaya naman namuhunan si Wang Pengsheng sa nasabing greenhouse ng 100,000 yuan o halos isang P1 milyon. Bumili siya ng mga imported na itlog ng ipis at nagpagawa ng greenhouse kung saan aalagaan at papalakihin ang mga ipis. Pinapakain ang mga ito ng prutas at biskwit upang maging mabilis ang paglaki.
Ayon pa kay Pengsheng, halos isang 1,000 yuan o P10,000 ang nagiging tubo niya sa bawat isang kilo ng ipis na kanyang naibebenta. Kaya nakapanlulumo ang nangÂyaring pagtakas ng mga ipis para kay Pengsheng dahil nauwi sa wala ang kanyang pagpapakahirap at perang ginugol sa pag-aalaga ng mga ito.
Nagpadala naman ang Chinese authorities ng mga eksperto para patayin ang mga nakatakas na ipis. Kailangang makontrol ang mga ito upang hindi kumalat ang sakit sa lugar.
- Latest