^

Punto Mo

‘National ID System’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MATAGAL nang iminumungkahi sa Pilipinas ang pagkakaroon ng National Identification Card.

Ito ang pagkakakilanlan sa isang tao na may kaakibat na responsibilidad at prebilehiyo bilang mamamayan.

Sa Amerika, ilang bansa sa Asya at sa iba pang mga bansa, matagal nang istriktong ipinatutupad ang National ID System.  Layunin nito na mabawasan ang “red tape” sa pamahalaan at mabigyan ng seguridad ang bawat mamamayan.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang hindi pa nagpapatupad ng National ID System.

Nitong nakaraang araw, inanunsyo ng Palasyo na hindi prayoridad ang pagpapatupad ng ID System.  Wala pang malinaw na dahilan ang pamahalaan dito.

Sa bansang mataas ang kriminalidad at korapsyon tulad ng Pilipinas, isa ito sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno!

Bukod kasi sa mababawasan ang kilos-pagong na proseso sa mga ahensya ng gobyerno at mga ilehitimong transaksyon, mapapabilis na rin ang pambi-BITAG ng mga law enforcement agency sa mga kriminal! Ang biometrics, optic scan, fingerprints at physical attributes kasi na nakatala sa record system ang mismong magbubuking sa mga iimbestigahan!

Tingnan natin kung hindi bumaba ang krimen at korapsyon sa pamahalaan!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

BITAG LIVE

KALAW HILLS

NATIONAL IDENTIFICATION CARD

PILIPINAS

QUEZON CITY

RIDE ALONG

SA AMERIKA

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with