Lalaki, tinangkang I-paralyze ang ibabang bahagi ng katawan dahil hindi raw ito sa kanya
KAKAIBANG sakit ang dinaranas ni Sean O’Connor. Naniniwala siya na ang kanyang ibabang bahagi ng katawan (mula baywang hanggang mga paa) ay hindi sa kanya kaya kailangan itong alisin. Tinatawag ang nararanasang kondisyon ni Sean O’Connor na Body Integrity Identity Disorder (BIID).
Ayon kay O’Connor, hindi naman siya nasusuklam sa ibabang bahagi ng kanyang katawan subalit gusto niya itong maalis sa kanya. Ayaw niya sa mga ito. Mula pa raw noong 4 o 5 taong gulang siya nararamdaman ang ganito. Hindi raw para sa kanya ang bahagi ng katawan. Hindi raw ito designed para sa kanya. Nakadadama siya ng discomfort.
Kaya para mawala sa kanya ang ibabang bahagi ng katawan, kung anu-anong paraan ang ginagawa niya rito. Sinusubukan niyang baliin ang likuran niya pero hindi mangyari. Gusto niyang maparalisa ang ibabang bahagi ng katawan.
Ayon sa report, unang napabalita ang ganitong condition noong 18th century kung saan, isang French doctor ang hinoldap ng isang lalaki at pilit nitong hinihingi ang mga binti ng doctor. (www.unexplained-mysteries.com)
- Latest