^

Punto Mo

Mga tulay na paborito ng mga nagpapakamatay(3)

- Arnel Medina - Pang-masa

Humber Bridge sa Near Kingston England --- Nasa mahigit 200 suicides na ang ginawa sa tulay na ito. Sa maraming pagpapakamatay na ginawa, limang tao lamang ang nakaligtas.

Kabilang sa nakaligtas si Angela Schuman, 28, at kanyang dalawang taong gulang na anak na babae. Isinama ni Angela sa pagtalon ang kanyang anak sa Humber Bridge noong 2005.

Problema sa custody ng anak ang dahilan kaya naisipan ni Angela na magpakamatay. Hindi niya hahayaang sa kanyang ex-husband mapunta ang bata. Gagawin niya ang lahat para silang dalawa ng anak ang magkasama habambuhay. Sa mga sulat ni Angela ay nakasaad: “Kaming dalawa lamang ng aking anak ang magiging magkasama sa lahat ng oras at wala nang iba pa. Maaari kaming mabuhay nang mapayapa at malaya na wala si Julio…” Si Julio ay ang kanyang dating asawa. Dagdag pa ni Angela sa sulat, “Hindi niya kami maaaring paghiwa­laying mag-ina. Hindi niya kami makikita. Magkakasama kami ng aking anak sa kanyang birthday…’’

Tatlong araw bago ang second birthday ng anak, kinarga niya ito at tinungo ang tulay. Tumalon sila.

Nailigtas sila. Ang bata ay dinala sa Hull Royal Infirmary at ginamot dahil sa hypothermia. Makaraan ang limang araw, inilabas ito. Si Angela ay nanatili sa ospital sa loob ng dalawang buwan. Nagkaroon siya ng bali sa baywang at mga paa.

Napansin ng mga doktor ang malabong sulat sa tiyan ni Angela na nakasaad: DAHILAN NG PAGKAKAMATAY: JULIO.

ANAK

ANGELA

ANGELA SCHUMAN

DAGDAG

GAGAWIN

HULL ROYAL INFIRMARY

HUMBER BRIDGE

SI ANGELA

SI JULIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with